Bayanihang binago ng panahon

Sabi nila, ang naganap na pagbaha na dulot ng bagyong Ondoy sa maraming lugar sa Metro Manila noong 26 Setyembre 2009 ay isang one-hundred-year rain lamang.

The post Bayanihang binago ng panahon first appeared on Abante.

bayanihang binago ng panahon - Bayanihang binago ng panahon
Xiao Chua Xiao Time 26 9 - Bayanihang binago ng panahon

Sabi nila, ang naganap na pagbaha na dulot ng bagyong Ondoy sa maraming lugar sa Metro Manila noong 26 Setyembre 2009 ay isang one-hundred-year rain lamang.

Maalala na lumubog din ang Marikina at ang Provident Village noon na lampas tao ang laki. Bagama’t mababa lamang ang signal ng bagyo, napakabigat ng ulan na ibinuhos nito. Maraming pumasok sa La Salle noon para sa kanilang pang-Sabadong klase ang hindi na nakauwi kinagabihan dahil sa pagbaha. Dahil ang Marikina ay isang lambak na pinapaligiran ng mataas na bahagi ng Metro Manila at ang mga kabundukan ng Sierra Madre, ito ang nagsisilbing catch basin ng lahat ng tubig mula sa mga lugar na ito.

Ngunit ang delubyong pangsandaang taon ay tila naulit muli sa bagyong Ulysses matapos lamang ang sampung taon. Bagama’t hindi mabigat ang ulan, ang mga naipong mga tubig ng mga nagdaang bagyo, kasama na ang Rolly, ay tila bumaba sa Marikina, San Mateo at Montalban, maging sa iba pang bahagi ng Bulacan nitong nagdaang Huwebes at bumaga ng lampas tao. Kinailangang ilikas ang mga residente at marami ring naapektuhan at namatay na mga alagang hayup.

Hindi inaasahan ang pagbaha dahil malakas na hangin lamang ang inaantay subalit sinasabing epekto ito ng kakulangan na ng mga puno na sisipsip ng tubig sa mga kabundukan dahil sa sobra-sobrang panggagahasa sa mga kabundukan ng Sierra Madre na dapat ay pananggalang natin sa mga pagbagyo.

Nagimbal din ang lahat sa pangyayari noong Biyernes ng gabi, nang akalain natin na lumabas na ang bagyong Ulysses ay siya namang paglubog ng mga bayan sa isa na namang lambak, ang Cagayan at Isabela. Tumaas pa ang tubig kinagabihan at narinig mula sa mga cellphone ang paghiyaw ng tulong ng mga tao.

Ano ba naman itong taong 2020 at sinubok ng husto ang ating katatagan? May pandemya pa tayong inaalala. Ang paghahanda sa ganitong mga sakuna ay hindi maaaring kada bagyo lamang ngunit ang mga kakulangan at kapabayaan bilang isang papaunlad pa lamang na bansa ay nakapipigil para ipatupad ang mga nararapat na mga pagbabago.

Nawa’y hindi mawala ang bayanihan ng mga Pilipino. Naaalala ko noong matapos ang Ondoy, ang mga estudyante ng La Salle ay nakapila sa labas ng campus upang magbigay, tumulong sa pagbabalot at pagdadala ng mga “relief goods.” Sa panahon ng pandemya, magbabago ang ating pagpapaabot ng tulong sa mga nasalanta. Dahil sa dami na rin nang napagdaanan natin at mga nawalan ng kabuhayan, marami ang said na at hindi na makapagbigay. Ngunit hindi tumitigil ang maraming mga grupo at mga mamamayan na kumilos, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan, upang kumuha at magpaabot ng tulong tayo man ay hiwa-hiwalay ngayon. Physical distancing but with social solidarity. Isang bansa po tayo.

Pakatatag po tayo.

The post Bayanihang binago ng panahon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *