Bayanihan para sa Pag-Asa

Sa gitna ng pandemyang dala ng COVID19, sinalubong pa natin ang Nobyembre na kaharap ang super typhoon Rolly. Matindi ang iniwang pinsala nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa Albay at Catanduanes.

The post Bayanihan para sa Pag-Asa first appeared on Abante.

bayanihan para sa pag asa - Bayanihan para sa Pag-Asa
usapang barrkada - Bayanihan para sa Pag-Asa

Sa gitna ng pandemyang dala ng COVID19, sinalubong pa natin ang Nobyembre na kaharap ang super typhoon Rolly. Matindi ang iniwang pinsala nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa Albay at Catanduanes.

Kaya agarang paghahanda ang inatupag namin sa Tanggapan bago pa man mag-landfall ang bagyo. Sa mga huling araw ng Oktubre pa lang, nagsimula na tayong magkalap ng mga donasyon na kakailanganin sa mga relief operations. Naniniwala si VP Leni Robredo na mahalaga ang kahandaan lalo sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo. Hindi natin kailangang maghintay na tumama ang sakuna bago tayo mag-abot ng ayuda.

Bago pa man tumama ang bagyo sa ating mga komunidad, nakapamahagi na tayo ng mga food packs sa mga kababayan nating nakatira sa Calabanga at Magarao, mga bayan sa ikatlong distrito ng Camarines Sur, na parehong coastal at flood prone areas. Ito ay naging posible dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga Angat Buhay partners at mga volunteers na walang pagod ang pagsisilbi sa ating bayan.

Nang may ligtas nang madadaanan papunta sa mga nasalanta, agad ding bumyahe si VP Leni patungong Camarines Sur para tingnan ang sitwasyon at kung paano mas mabilis makakatulong. Bitbit ang mga relief goods, binisita ni VP Leni ang iba’t ibang lugar na matinding natamaan ng bagyo. Buong linggo, bumyahe siya tungo sa mga komunidad sa Camarines Sur, Albay, at Catanduanes.

Sa pag-iikot, maliban sa dala nating mga ayuda, sinigurado ni VP Leni na makausap ang mga pamilyang nasalanta ng bagyo. Mahalaga ito tuwing bumababa sa mga komunidad para malaman natin mismo kung anong klaseng tulong ang kailangan nila. Dahil higit pa sa agarang pangangailangan na tulad ng pagkain, gamot, at damit, kailangan din natin maghanda ng mga programang makakatulong sa kanilang pagbangon.

Ito ang kahalagahan ng mga Angat Buhay partners at iba’t iba pang donors na puspusan ang pagtulong sa ating mga kababayan. Bagaman limitado ang budget ng Tanggapan, patuloy tayong nagiging bahagi ng positibong pagbabago ng buhay ng ating kapwa dahil mayroon tayong kasamang sumusuporta sa mga Pilipinong nasa laylayan. Mula sa simula, ang mga partners at volunteers ang naging haligi ng mga proyekto nating nakakapagpabago ng bukas. At ang bayanihang namamalagi dito ang patuloy na pinaghuhugutan natin ng pag-asa.

Kaya’t isa mang malaking problema ang dala ng bagyong Rolly, hindi tayo titigil lumaban dahil buhay ang bayanihang Pilipino. Kitang-kita natin ito sa mga programa natin na hindi lang para sa panahon ng pandemya, kung hindi para rin sa mga tatamang kalamidad kung saan maraming kababayan natin ang lubos na nangangailang ng tulong at pagkalinga.

The post Bayanihan para sa Pag-Asa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *