Barakong politiko beterano ng mga ambush

Alam n’yo bang pampelikula ang buhay ng isang barako at kilalang politiko sa Central Luzon na puwedeng kapulutan ng aral ng ibang politiko at opisyal.

The post Barakong politiko beterano ng mga ambush appeared first on Abante News Online.

barakong politiko beterano ng mga ambush - Barakong politiko beterano ng mga ambush
Abante Deo Macalma Bubwiy ni Deo - Barakong politiko beterano ng mga ambush

BUBWIT NI DEO
DEO MACALMA

Alam n’yo bang pampelikula ang buhay ng isang barako at kilalang politiko sa Central Luzon na puwedeng kapulutan ng aral ng ibang politiko at opisyal.

Ayon sa aking bubwit, ang barakong politikong ito ay dalawang beses nang pinagtangkaan ang buhay pero nakaligtas. Kung totoo ang kasabihang siyam ang buhay ng pusa, aba’y mala-pusa pala ang kilalang Central Luzon politician.

Puwede itong magsilbing leksyon sa mga politiko at opisyal nga­yong pormal nang nagsimula ang termino ng mga bagong nahalal dahil ang nangyari sa kanya ay malaking aral sa mga may banta sa buhay o opisyal sa mga lugar na mataas ang karahasang politikal.

Ayon sa aking bubwit, ang unang ambush kay politiko ay sa loob ng sabungan nang ratratin ang kanyang grupo ng mga lalaking nakasuot ng maskara. Ang petmalu ng estilo kasi kahit matao ang sabungan ay nangahas ang mga gunman at nang humupa ang usok sa ambush ay napatay ang isang kapatid ni barakong politiko pero buhay s’ya.

Ang pangalawang ambush, ayon sa aking bubwit, ay insidente na hawig sa pelikulang The Bodyguard ni idol Kevin Costner na sumalo ng bala para kay Superstar Whitney Houston. Yes mga pare at mare, dinapaan si kilalang politiko ng kanyang bodyguard kaya s’ya nabuhay sa ikalawang pagkakataon. Utang n’ya ang kanyang buhay sa dedikasyon sa trabaho ng bodyguard na walang alinlangang sumalo ng bala para sa kanya.

Kaya ‘yun mga may bodyguard d’yan, ke politiko man o hindi, alagaan n’yo sila at huwag n’yong gugutumin o memenosin sa bayad, tandaan n’yo, nakasalalay sa kanila ang inyong buhay sa oras ng peligro.

Ang barakong politiko na pampelikula ang buhay dahil dalawang beses nang nakaligtas sa ambush ay ang kinikilalang Duterte ng Nueva Ecija, itago na lang natin sya sa pa­ngalang Mayor Enteng ng bayan ng Gapan.

The post Barakong politiko beterano ng mga ambush appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *