Bangon Catanduanes

Ang aking pagbisita sa Catanduanes noong nakaraang linggo pagkatapos ng super bagyong Rolly ay makabuluhan ngunit nakakasakit ng puso. Nakakalungkot makita ang pinsala na idinulot ng bagyo. Pinatalsik ng malakas na hangin ang mga puno at poste. Karamihan sa mga gusali at bahay ay nawasak kaya maraming residente ang nawalan ng tirahan.

The post Bangon Catanduanes first appeared on Abante.

bangon catanduanes - Bangon Catanduanes
EDITORIAL LOGO OK KA HARRY HARRY ROQUE - Bangon Catanduanes

Ang aking pagbisita sa Catanduanes noong nakaraang linggo pagkatapos ng super bagyong Rolly ay makabuluhan ngunit nakakasakit ng puso. Nakakalungkot makita ang pinsala na idinulot ng bagyo. Pinatalsik ng malakas na hangin ang mga puno at poste. Karamihan sa mga gusali at bahay ay nawasak kaya maraming residente ang nawalan ng tirahan.

Mahalaga ang pagbisita ko dahil sa ganitong panahon kailangang makita ng mga opisyal at residente ng Catanduanes na nakikiisa ang pambansang pamahalaan sa kanilang pagsisikap na makabangon sa kalamidad. Ito ay isang paraan upang maipakita na nakikisimpatiya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga apektadong pamilya.

Noong ika-7 ng Nobyembre, iniulat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes na 43, 758 na pamilya ang naapektuhan ng bagyong Rolly. Sa bilang na ito, 2, 358 na pamilya ang nananatili sa mga government evacuation center, habang 14, 326 na pamilya ang nananatili sa kanilang mga bahay. Anim na tao ang iniulat na namatay at isa ang nawawala.

Iniulat din ng mga Municipal Disaster Risk Reduction Management Offices sa lalawigan noong ika-7 ng Nobyembre na 13, 456 na mga bahay ang ganap na nasira, habang 23, 783 ang bahagyang nasira. Ang pinsala sa mga municipal local government units (MLGUs) ay tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang P366.5 milyon. Ang pinsala sa mga pambansang tanggapan ay tinatayang nasa halos P2-bilyon, habang ang pinsala sa mga ahensya ng lalawigan ay tinatayang mas mababa sa P2.1-bilyon. Ang sektor ng agrikultura ay nag-ulat ng pinsala na nagkakahalaga ng halos P1.2-bilyon.

Hindi kayang solusyunan ng mga residente ng Catanduanes ang napakalaking pinsala na ito. Tulad ng sinabi ko sa aking press briefing sa Virac, hindi kayo pababayaan ng ating Pangulo. Hindi niya hahayaan ang sinuman sa inyo na magutom at mawalan ng kuryente at tubig sa mahabang panahon, Sisikapin din ng pamahalaan na dumating ng mabilis ang tulong kahit na sira ang mga kalyeng dadaanan.

Ipinangako ko sa mga mamamayan ng Catanduanes at sa lahat ng mga taong naapektuhan ng superbagyo sa ibang mga lalawigan na gagawin ng pamahalaan ang lahat para dumating ang relief goods at supplies na kailangan nila, sa anumang paraan. Uulitin ko. Hindi hahayaan ni Pangulong Duterte na hadlangan ng politika ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Sa katunayan, 60 tonelada ng relief goods at supplies, kasama na ang bottled water, ang dumating sa Virac na dala ng Philippine Coast Guard’s BRP Gabriela Silang.

Sa tulong ng Department of Public Works and Highways, sinimulan agad ang paglilinis ng kalsada. Noong ika-7 ng Nobyembre, iniulat ng Pamahalaang Panlalawigan na ang lahat ng mga pambansang kalsada sa lalawigan ay maaari nang madaanan.

Ang mga magsasaka na naapektuhan ng superbagyo ay maaaring makakuha ng pinansyal na tulong mula P10, 000 hanggang P15, 000 para sa kanilang mga pananim, kagamitan sa bukid, fishing boat at gears na nasira ng bagyo. Ito ay ipagkakaloob ng Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Ang mga pamilyang nawalan ng bahay o bahagyang nasiraan ang bahay ay maaaring makakuha ng calamity loan mula sa PAGIBIG Fund, na maaaring bayaran sa loob ng 24 na buwan. Maaari pang ipagpaliban ang unang bayad. Ang paunang pagbabayad ay maaaring gawin sa ikatlong buwan pagkatapos ng paglabas ng utang upang mabigyan ng oras ang mga nanghiram na makaipon muna.

Tiniyak din ng Department of Budget and Management Secretary sa mga LGU na ma-aaccess nila ang mabilis na pondo ng ilang ahensya ng gobyerno. Samantala, tiniyak din ng Department of Energy na maibabalik ang kuryente sa lalawigan sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. Pagsisikapan din na ang 100 poryentong panunumbalik ng kuryente ay magagawa bago ang Pasko.

Bilang isang bansa, sama-sama nating dinanas ang superbagyo. Tulad ng dati pinatibay nito ang ating pagkakaisa at katatagan. Ang pamahalaang pambansa at mga LGU ay nagtutulungan upang muling makabangon ang mga bayan na nasalanta. Nandito kami para tumulong.

Bangon Catanduanes!

The post Bangon Catanduanes first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *