Balik MECQ, Balik Free Shuttle at Dorm sa Manila

Nakakalungkot na patuloy ang pagtaas ng kaso ng mga COVID-19 patients nitong mga nakaraang linggo. Dahil dito, at dahil na rin sa sigaw ng ating mga frontliners, balik Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

balik mecq balik free shuttle at dorm sa manila - Balik MECQ, Balik Free Shuttle at Dorm sa Manila
Barry Gutierrez Usapang Barrykada 16 1 - Balik MECQ, Balik Free Shuttle at Dorm sa Manila

Nakakalungkot na patuloy ang pagtaas ng kaso ng mga COVID-19 patients nitong mga nakaraang linggo. Dahil dito, at dahil na rin sa sigaw ng ating mga frontliners, balik Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Bitbit ng MECQ ang muling limitasyon sa transportasyon na isa sa pangunahing daing ng ating mga frontliners. Kaya’t sa parehong araw, ibinalik din ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ang free shuttle service sa Metro Manila.

Katulad ng una nating isinagawa, tumatakbo ng walong ruta ang ating free shuttle service. Sa mga ruta na ito, may mga itinakdang pick-up at drop-off points na malapit sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila. Maliban sa mga hospital workers at frontliners, maari ring sumakay ang mga mga staff sa grocery pati na uniformed personnel na mangangailangan ng paraan para magampanan ang kani-kanilang mga tungkulin.

Ang Route 1 ay bumabyahe mula Starmall Alabang hanggang PND Blumentritt, Route 2: Heritage Hotel/EDSA Ext to Philippine Children’s Medical Center, Route 3: SM MOA EDSA to Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Route 4: EDSA Macapagal to Monumento, Route 5: SM Fairview to Lawton Park and Ride, Route 6: Heritage Hotel to Balintawak LRT, Route 7: SM Masinag to Philippine General Hospital, at Route 8: SM Masinag to Veterans Memorial Medical Center. Ang walong ruta ay may kanya-kanyang schedule na matatagpuan sa Office Facebook page ni VP Leni Robredo.

Kasabay nito, nagsimula na rin tayong magbukas ng dorm gaya ng nauna nating inisyatibo. Ito ay para may pansamantalang matutuluyan na maayos at ligtas ang ating mga frontliners at hospital workers habang sila ay nakaduty. Sa Novaliches, Quezon City ngayon, mayroon tayong bagong bukas na dorm para makatulong sa mga frontliners sa Commonwealth Hospital, FEU Hospital, Neopolitan General Hospital at sa mga malalapit pang ospital sa lugar.

Ang mga inisiyatibong ito ay binuksang mula para patuloy na gawing posible ng pagbabayanihan. Dinig natin ang hinaing at paghihirap ng ating mga frontliners na siyang sinasandalan ng ating bayan ngayon. Kaya’t kung sa anong paraan na kaya nating makatulong mapagaan nang kahit kaunti ang kanilang pasanin, gagawin natin.

Sa dalawang linggo na pagbabalik natin sa MECQ, lalong pinag-igting ng aming Tanggapan ang serbisyo sa ating mga kababayan. Ito po ay posible dahil sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang Angat Buhay partner, pati na iyong mga kababayan nating bukal ang puso sa pagtulong sa kapwa.

Kapit lang, mga kababayan. Huwag mawawalan ng pag-asa dahil pagtutulungan nating makabangon mula dito. Kaya natin ito. Laban lang!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *