Bakuna malapit na

Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Rolando Domingo na nag-apply na ang Pfizer para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang bakuna kontra coronavirus sa Pilipinas.

The post Bakuna malapit na first appeared on Abante.

bakuna malapit na - Bakuna malapit na
EDITORIAL LOGO AKSYON Lady Kaye Dacer - Bakuna malapit na

Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Rolando Domingo na nag-apply na ang Pfizer para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang bakuna kontra coronavirus sa Pilipinas.

Nangyari ang aplikasyo ng American pharmaceutical company, ayon sa FDA nitong Disyembre 23.

May 21 araw namang sasailaim sa pagsusuri at pag-apruba ang EUA ngunit ang pagbabakuna ay magsisimula kaagad kapag may magagamit na.

Para mabigyan ng EUA ang isang bakuna, dapat masiguro ng FDA na epektibo ito upang mapigilan, ma-diagnose o magamot ang COVID-19 batay sa mga ebidensya.

Dapat ding mas lamang ang mga benepisyo nito kasya peligro.

Good news ang hatid na ito sa atin ng FDA dahil ibig sabihin ay abot-kamay na talaga nating ang COVID bakuna mula sa Pfizer.

Kaya sana sa mga kababayan nating konting tiis pa at matuturukan na rin ang mga nasa priority list ng gobyerno upang maawat na ang pagkalat ng virus na lalong naghahatid ng pangamba sa buong mundo dahil sa sinasabing bagong strain na natuklasan.

Kahit nagbabala ang ilang health expert ng pagsirit ng kaso, gumawa tayo ng paraan para hindi ito mangyari, gaya ng pagsunod sa health protocol kapag tayo ay nasa matataong lugar.

Kung wala rin naman talagang gagawin sa labas, manatili na lamang tayo sa ating mga bahay para hindi tayo makadagdag sa dami ng taong naglalabasan.

Sa ganitong paraan ay nakakatulong tayo sa ating mga kababayan o sa gobyerno sa kabuuan na makontrol ang pagsirit ng kaso.

Hanggang nasa labas kasi tayo ng ating mga bahay at nakakasalamuha sa maraming tao mas tumitindi ang panganib na makasagap tayo ng virus na delikado namang maiuwi natin sa ating mga bahay.

Kaya sa nalalapit na Bagong Taon, huwag na tayong pasaway. Huwag tayong dumagdag sa mga taong nasa na may mas mahalagang ginagawa kumpara sa atin, lalo na kung pagsa-shopping lang naman ang ating sadya sa paglabas ng bahay.

Sa mga nag-a-out of town naman siguruhin n’yo lang na sinusunod nyo ang lahat ng health protocol na ipinatutupad para hindi kayo maging kargo ng gobyerno sa bandang huli.

***

Alam nating kasunod ng Pfizer ay marami pang kompanyang nag-aalok ng bakuna kontra COVID ang magsusunuran na para matugunan ang kailangang bakuna ng mga Filipino.

Ang dasal lang natin ay maipamahagi ito ng maayos at walang maging aberya upang sa gayon ay masiguro na ang kaligtasan ng sambayanang Filipino laban sa nakamamatay na virus na naghatid ng ligalig sa buong mundo.

The post Bakuna malapit na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *