Bagong Taon, bagong pag-asa, bagong pagkakataon

Kahit na kakaiba ang naging selebrasyon sa pagsalubong sa bagong taon, tiyak akong ginawa natin ang lahat upang maging masaya pa rin ito kasama ang ating pamilya.

The post Bagong Taon, bagong pag-asa, bagong pagkakataon first appeared on Abante.

bagong taon bagong pag asa bagong pagkakataon - Bagong Taon, bagong pag-asa, bagong pagkakataon
EDITORIAL LOGO wala kayo sa mama ko Risa Hontiveros 1 - Bagong Taon, bagong pag-asa, bagong pagkakataon

Kahit na kakaiba ang naging selebrasyon sa pagsalubong sa bagong taon, tiyak akong ginawa natin ang lahat upang maging masaya pa rin ito kasama ang ating pamilya.

Marami sa atin ay parang nabunutan ng tinik sa pagtatapos ng 2020. Pero ating tandaan na hindi pa rin tayo bumabalik sa dati nating mga nakagawian. Patuloy na nagbabago ang ating lipunan dahil sa pandemya. Kaya paano nga ba magkakaroon ng ‘panibagong simula’? Applicable pa rin ba ang pagkakaroon ng New Year’s resolution?

Ito ang ilan sa aking payo kung paano magpapatuloy sa 2021 sa kabila ng kawalan ng kasiguraduhan:

1. Mag-general cleaning at magsinop ng mga gamit sa bahay. ‘Ano pong koneksyon, Senadora?’ – marahil yan ang tanong ninyo. Sa simpleng paglilinis ng bahay at pag-oorganize ng mga gamit, magkakaroon tayo ng sense ng isang ‘fresh start’. Alisin at ipamigay o ibenta na ang mga bagay na hindi na kailangan. Itira at itago lamang yung mga madalas mong gamitin at mapakinabangan. Kung may ibubuga pa ang appliances, ipakumpuni ang mga sira at dalahin na sa junk shop yung mga may halaga pa kahit paano.

2. Pwede pa ring magtakda ng ‘goals’ lalo na yung kayang maabot at ma-achieve. Tuluy na tuloy at hindi na-cancel ang paggawa ng goals ngayong taon. Sa katunayan, mas kailangan natin ito para magkaroon ng rason para bumangon (sabi nga ng isang commercial). Kaya huwag matakot na isulat ang mga gusto ninyong gawin ngayong taon: bawasan ang pagkain ng matataba, maalat at matamis, magbawas ng 5 kilo sa timbang, mag-ehersisyo kahit 30-minuto kada araw, magsimula ng maliit na negosyo, at iba pa. Dapat ay simple at detalyado upang hindi tayo maligaw sa ating mga layunin.

3. Magnilay-nilay sa mga pinagdaanan noong 2020. Paano ba ako binago ng pandemya? Anu-ano ang mga narealize ko sa uri ng aking pamumuhay? Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng pamilya at komunidad sa panahon ng kawalan ng kasiguraduhan? Ano pa kaya ang maitutulong ko sa iba? Kung natuklasan mo na mas humaba ang iyong pasensya, naging mas maunawain, naging compassionate, nakatagpo ng kaligayahan sa simpleng bagay, at marami pang iba, isulat ito upang maging gabay sa pagpapatuloy sa 2021.

4. Isulat lahat ng kabiguan, takot, at negatibong isipin. Marami sa atin ang nabalisa, natakot, nag-alala noong nakaraang taon. Ayon sa mga eksperto, kapag isinusulat natin ang ating mga iniisip o pinoproblema, napoproseso natin ito. Maaaring makaisip tayo ng paraan o kaya ay hindi pala ito ganoong kabigat gaya ng ating inaakala. Sana ito ay makatulong na maibsan ang ating nararamdaman at makatagpo tayo ng solusyon.

Sabi nila, buhay na buhay ang pag-asa, kahit na sa panahong parang nawawala na ito. Madalas natin yang naririnig, sa mga panahon ngayon, parang mas tumimo ito sa ating mga puso. Bagong taon, bagong pag-asa, bagong pagkakataon. Gusto kong malaman ninyo na hindi kayo nag-iisa. Sama-sama tayo. Happy New Year po sa ating lahat!

The post Bagong Taon, bagong pag-asa, bagong pagkakataon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *