Bagong taon, bagong hamon

Isa sa malaking isyu ngayon sa kinakaharap na pandemya ng buong mundo ay ang lumutang na bagong strain o variant ng COVID-19.

The post Bagong taon, bagong hamon first appeared on Abante.

bagong taon bagong hamon - Bagong taon, bagong hamon
EDITORIAL LOGO MEDIAMAN Martin Andanar 1 2 - Bagong taon, bagong hamon

Isa sa malaking isyu ngayon sa kinakaharap na pandemya ng buong mundo ay ang lumutang na bagong strain o variant ng COVID-19.

Halos abot-kamay na ng sangkatauhan ang pag-asa sa natuklasang vaccine pangontra sa bagsik ng coronavirus, subalit hindi pa man nasisimulan ang pagbakuna ay may umusbong na namang panibagong variant nito.

Ayon po sa Centers for Disease Control and Prevention, unang natuklasan ang COVID-19 variant sa United Kingdom (UK) at mabilis na kumalat sa London, Southeast England hanggang sa Amerika at Canada. bukod pa ito sa panibagong variant na nakita naman sa South Africa.

Dahil sa paglutang ng panibagong COVID variants, naging maagap po ang ating gobyerno sa pagpapatupad ng mga hakbang para hindi ito makarating sa Pilipinas.

Mahigpit na nakamonitor po ang ating mga eksperto sa sitwasyon ngayon sa mga bansang nakitaan ng COVID variants at sa pamamagitan ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, agad na nagpatupad ang gobyerno ng temporary travel ban sa 20 bansa para mahadlangan ang pagpasok sa Pilipinas at pagkalat ng bagong uri ng sakit .

Ayon po sa mga eksperto, ang COVID variants na ito ay mas mabilis kumalat sa mga tao, pero hindi pa po madetermina kung ito ba ay mas mabagsik at mas mabilis makamatay sa kinapitan nito.

Inaalam pa po ng mga eksperto kung ang COVID variants na ito ay kayang puksain ng mga gamot na ibinibigay sa mga pasyenteng may COVID-19.

Isa po sa tinututukan ng ating mga eksperto ang COVID variant na nakita sa Colorado, USA kaya isinama na ang Amerika sa listahan ng mga bansa kung saan mayroong temporary travel ban.

Lahat po ng mga mamamayang manggagaling sa 20 bansang nasa travel ban ay hindi papayagang makapasok sa Pilipinas hanggang sa January 15, 2021.

Nangunguna po dito ang UK, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada at Spain.

Gayunpaman, maaari pa ring makauwi sa bansa ang mga Pilipinong nanggaling sa mga nabanggit na bansa subalit kinakailangang sumailalim sa 14-day quarantine kahit pa nag-negatibo sa kanilang RT-PCR test result.

Sa ngayon po ay wala pang naitalang kaso ng bagong variant sa bansa at umaasa ang gobyerno at mga eksperto na hindi makapasok sa Pilipinas ang bagong COVID variant.

Bukod sa temporary travel ban sa 20 bansa, nagdeklara na rin po ng lockdown ang lalawigan ng Sulu para hindi makapasok sa backdoor ng Pilipinas ang bagong COVID variants.

Ang Sulu at Zamboanga ang daanan ng mga taga-Southern Mindanao para magtungo sa Sabah, Malaysia at labas-pasok ang mga ito kaya pansamantalang ipinatupad ang lockdown.

Batay po sa report ng mga eksperto kay Pangulong Rodrigo, mayroong COVID-19 variant na nakita sa Sabah, subalit hindi ito parehong variant na unang nakita sa UK.

Dahil dito, inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga lokal na opisyal sa buong bansa—mga alkalde at barangay captain na mahigpit na ipatupad ang mga ipinaiiral na hakbang sa paglaban sa COVID-19.

Binalaan po ni Pangulong Duterte ang mga lokal na opisyal na papalitan ang mga makikitang tatamad-tamad ngayong panahon ng pandemya, lalo na yaong hindi siniseryoso ang banta ng COVID-19.

Papasok na po tayo sa 10 buwan nang pakikipaglaban sa COVID-19 kaya huwag po nating balewalain ang mga ginagawang pagsisikap ng gobyerno para sa kaligtasan ng lahat ng mga Pilipino. Sumunod po tayo sa mga paalala at abiso ng pamahalaan para maabutan po natin ang pagdating ng bakuna na magiging pag-asa po natin para makabalik tayong lahat sa dati nating nakagawiang pamumuhay.

Hangad ko po ang kaligtasan at maayos na kalusugan ng lahat ng mga Pilipino ngayong 2021. Huwag po tayong susuko, sumunod sa mga abiso at pakiusap ng gobyerno. Basta tandaan, basta’t sama-sama at laging handa, kaya natin ito! Laban lang po tayo!

The post Bagong taon, bagong hamon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *