Bagong taon, bagong gastos

Marami mga tropapips ang tiyak na nakangiti sa pagsalubong sa Bagong Taong 2021–hindi lang dahil natapos na ang pandemic 2020–kung hindi dahil nakatipid din sila sa gastos nang magpatupad ng kautusan ang maraming lokal na opisyal sa bansa na bawal ang paputok at iba pang pyrotechnic device.

The post Bagong taon, bagong gastos first appeared on Abante.

bagong taon bagong gastos - Bagong taon, bagong gastos
columnists SPY ON THE JOB REY MARFIL Orig2 - Bagong taon, bagong gastos

Marami mga tropapips ang tiyak na nakangiti sa pagsalubong sa Bagong Taong 2021–hindi lang dahil natapos na ang pandemic 2020–kung hindi dahil nakatipid din sila sa gastos nang magpatupad ng kautusan ang maraming lokal na opisyal sa bansa na bawal ang paputok at iba pang pyrotechnic device.

Kung dati eh lagi nating itinatanong kung kompleto pa ba ang mga daliri matapos na magpalit ang taon, ngayon eh direktang puwedeng itanong kung humihinga pa ba ang mga tropapips natin dahil sa napakatinding hambalos na ibinigay ng 2020.

Aba’y wala yata tayong masyadong nabalitaan na manghuhula na nagsasabing magiging maganda ang 2021 gaya noong papasok ang 2020. May nagsabi noon na doble suwerte raw ang 2020 dahil kambal na bente-bente ito. Pero kabaligtaran ang nangyari dahil sa pagkalat ng made in China virus na COVID-19.

Hindi porke nagpalit na ang taon at buhay na buhay na uli ang Wuhan, China na pinagmulan ng virus eh kakalimutan na natin na sa kanila nanggaling ang pandemic na pumatay ng napakaraming tao at nagsadlak sa napakaraming tao sa kahirapan–hanggang ngayon.

Pero iyon nga lang mga tropapips, kung nakatipid man tayo sa gastos sa paputok, aba’y dagdag-gastos naman tayo sa dagdag-singil sa premium ng Social Security System (SSS), PhilHealth, at ang paniningil ng Meralco ni Manny Pangilinan ng “under charge” sa Generation Rate na aabot sa tumataginting na P2.38 bilyon.

Ang kurimaw natin na laging pundi ang ilaw sa bahay, nagtatanong kung hindi raw ba nagkamali o namalik-mata ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa pagsusuri sa singilin ng Meralco mula 2017 hanggang 2019?

May nakita rin kasing P1.4 bilyon na “overcharge” ang ERC sa singil ng Meralco sa Transmission, System Loss, Lifeline Subsidy at Senior Citizen Discount Rates, na kailangan naman nilang ibalik sa kostumer. Pero ang “under charge” na dapat singilin ng Meralco, parang hindi raw kapani-paniwala.

Hindi natin masisisi ang kurimaw natin kung mag-isip nang ganoon dahil alam naman natin ang mga negosyante pagdating sa “kita,” hindi mo maiisahan gaya nang ginawa nila sa “Bill Shock” noong lockdown. Kaya dapat sigurong suriin muli ng ERC ang naturang “under charge” daw ng Meralco.

Ilang mambabatas naman mga tropapips ang umaapela sa pamahalaan na ipagpaliban muna ng SSS at PhilHealth ang taas-singil nila sa premium ng mga miyembro dahil nga naman sa marami pa tayong mga kababayan ang hindi pa ganap na nakababangon sa pandemic.

Katunayan, marami pa rin ang walang trabaho, o bawas ang oras ng trabaho, at maraming negosyante ang sisinghap-singhap pa rin na mapanatiling buhay ang kanilang negosyo para hindi mawalan ng trabaho ang kanilang mga tauhan.

Kung ipatutupad ang taas-singil sa premium ng SSS at PhilHealth, ibig sabihin eh mababawasan din ang take home pay ng mga manggagawa, at madadagdagan naman ang gastusin ng mga negosyante dahil kalahati ng premium ng mga kawani ay sila ang pumapasan.

Maganda naman mga tropapips ang layunin ng SSS sa taas-singil lalo pa’t bahagi iyon ng ipinasang batas sa unti-unting pagtaas ng premium para madagdagan din ang benepisyo ng mga miyembro. Pero ang tanong nga lang, wala bang ibang paraan para ipagliban ito hanggang sa panahon na nakabawi na sa trabaho ang mga manggagawa at mga negosyante?

Ang PhilHealth, bukod sa amoy pa rin hanggang ngayon ang baho ng nangyaring pangungurakot sa pondo, maaari naman nilang ipagpaliban ang taas-singil at humingi na lang muna ng dagdag-pondo sa Kongreso.

Pero siyempre mga tropapips, ang lahat ng apela ng mga karaniwang manggagawa eh walang saysay kapag walang mataas na opisyal na sumigaw ng “Stop!” sa mga taas-singil na ito. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

The post Bagong taon, bagong gastos first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *