Bagong simula paalala ni VP Leni Robredo

Isang Manigong Bagong Taon po mula sa aming pamilya at sa aming lahat sa Office of the Vice President.

The post Bagong simula paalala ni VP Leni Robredo first appeared on Abante.

bagong simula paalala ni vp leni robredo - Bagong simula paalala ni VP Leni Robredo
EDITORIAL LOGO Barry Gutierrez usapang barrykada 1 - Bagong simula paalala ni VP Leni Robredo

Isang Manigong Bagong Taon po mula sa aming pamilya at sa aming lahat sa Office of the Vice President.

Ipagdiriwang natin ang pagpasok ng Bagong Taon, pero marahil, mas malalim ang pagdiriwang natin, mas maluwag ang paghinga natin, dahil sa pagsasara ng 2020. Napakatindi ng mga pagsubok na dala ng nagdaang taon. Tumama ang pandemya at humabol pa ang sunod-sunod na sakuna. Marami sa atin ang unang beses na sasalubong sa bagong taon na hindi kapiling ang mga pumanaw na mahal sa buhay. Maraming naapektuhan o nawalan ng kabuhayan, at mas kaunti ang handa sa media noche. Maraming aspekto ng buhay natin ang nagbago—sa bahay, sa paaralan, sa opisina, sa mga ugnayan sa pamilya at kaibigan—at dala nito ang halo-halong emosyon: Takot, pangamba, lungkot.

Pero paalala sa atin ng petsang ito—ang unang araw ng unang buwan ng isang bagong taon—na laging may bagong simula; laging may pagkakataong bumangon; lagi tayong tinatawag ng bukas sa pag-asang kaya natin itong gawing mas maginhawa, mas masagana, mas makatao kaysa sa kahapon.

Hiling ko ang pag-asang ito para sa bawat pamilyang Pilipino: Nawa’y mapuno ng pag-asa ang inyong mga tahanan. Sa darating na taon, pag-asa ang pairalin natin sa ating araw-araw na pamumuhay, at pag-asa ang ibahagi natin sa kapwa, lalo na para sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Tandaan din natin: Karugtong ng anumang pag-asa ang sikap at gawa. Hindi biglang mawawala ang virus dahil magpapalit tayo ng kalendaryo. Kaya patuloy tayong mag-ingat at sumunod sa mga health protocols. Patuloy tayong mag-ambagan upang matulungan ang mga kapwa nating mas mabigat ang dalahin. Patuloy nating buksan ang mga puso at alalahanin na sa panahong ito, bitbit natin ang isa’t isa.

Gaya ng paulit-ulit na nating pinatunayan sa mga nagdaang taon: Walang Pilipinong nag-iisa. At dahil nasa isa’t isa ang ating lakas, nandito pa rin tayo; hindi tayo kinayang pasukuin ng 2020.

Lalo pa sana tayong magbigkis upang salubungin ang 2021 nang sama-sama, tulong-tulong, at nang may ibayong pagkasabik para sa kinabukasang papandayin natin bilang nagkakaisang bansang Pilipinas.

Isang masaya at hitik sa pag-asang bagong taon sa inyong lahat.

The post Bagong simula paalala ni VP Leni Robredo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *