Bagong Kongreso, bagong oportunidad

Magbubukas po ngayong Lunes, ika-22 ng Hulyo, ang bagong Kongreso o 18th Congress kung saan dadalo ang Pa­ngulo para sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address o SONA.

The post Bagong Kongreso, bagong oportunidad appeared first on Abante News Online.

bagong kongreso bagong oportunidad - Bagong Kongreso, bagong oportunidad
MR.trabaho - Bagong Kongreso, bagong oportunidad

Magbubukas po ngayong Lunes, ika-22 ng Hulyo, ang bagong Kongreso o 18th Congress kung saan dadalo ang Pa­ngulo para sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address o SONA.

Ulat sa bayan po ang SONA at ipapahayag ng Pangulo ang mga nagawa at gagawin pa ng pamahalaan upang patuloy na makapagbigay ng oportunidad sa bawat Pilipino tulad ng edukasyon, trabaho, mga serbisyong pampubliko at proyektong pang-imprastruktura.

Malaking papel po ang gagampanan ng bagong Kongreso sa susunod na tatlong taon para tiya­king maisasakatuparan ng ehukatibo ang adyenda nito para sa pagpapaunlad ng ating bansa.

Bilang mambabatas, suportado po natin ang magagandang programa ng pamahalaan lalo na ang may kinalaman sa kapakanan ng ating mga manggagawa at pagpapalakas ng sistema ng edukasyon at training sa bansa.

Noong nakaraang Kongreso o 17th Congress, 36 po sa ating mga panukala ang naging ganap na batas. Karamihan po rito ay para sa sektor ng edukasyon at training tulad ng Philippine Qualifications Framework Act (RA 10968), National Tech-Voc Day Act (RA 10970) at Tulong-Trabaho Act (RA 11230).

Kasama rin po sa mga naging ganap na batas ang mga panukala natin para sa mga manggagawa tulad ng Occupational Safety and Health Standards Law (RA 11058), First-Time Jobseekers Act (RA 11261), at Telecommuting Act (RA 11165).

Nitong nakaraang linggo, nilagdaan na rin po ng Pangulo ang Social Welfare Attache Act (RA 11299) na una nating isinulong sa Kongreso noong 2009 bilang kinatawan ng CIBAC Party List. Itinatadhana po ng bagong batas ang pagtatatag ng mga permanenteng social welfare attaches sa mga bansang may mataas na bilang ng mga OFW.

Dalawampung panukalang batas ang una na po nating naisumite sa Senado ngayong 18th Congress. Kabilang po rito ang regulasyon sa pagbibigay ng trabaho sa mga banyaga, pagtatayo ng Bagong Bayaning Filipino Hospital, pagdaragdag ng mga benepisyo sa mga public school teacher, at pagbibigay ng mga benepisyo tulad ng pabahay at health insurance sa mga guro at kawani ng mga state universities and colleges.

Numero uno po sa ating legislative agenda ngayong 18th Congress ang pag-uugnay ng education at training sector at ang job market dahil naniniwala po tayo na ito ang magbibigay ng mas malawak na oportunidad at mas magagandang trabaho sa ating mga kababayan.

Kapag may trabaho po ang mga Pilipino at maunlad ang mga negosyo sa bansa, makakamit po natin ang minimithing pag-asenso. Titiyakin po natin na isa ito sa tututukan ng bagong Kongreso sa susunod na tatlong taon.

Job Fair Schedule:
Local and Overseas Job Fair—Municipal Plaza, Poblacion 3, Midsayap—July 22
Araw ng Nabunturan Job Fair—Municipal Hall Building, Nabunturan—Compostela Valley—July 23
Bawat Buhay, May Hanapbuhay Job Fair—Waltermart, Ortigas Ext., Taytay—July 26
(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

The post Bagong Kongreso, bagong oportunidad appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *