Ayuda sa ‘virus killers’ – janitors, sekyu, maintenance personnel

Bukod sa mga doktor at nurses na araw-araw ang exposure sa COVID-19 tuwing naka-duty sa ospital, meron pang isang hanay ng mga trabahador doon ang nalalagay din sa panganib ang kalusugan.

The post Ayuda sa ‘virus killers’ – janitors, sekyu, maintenance personnel first appeared on Abante.

ayuda sa virus killers janitors sekyu maintenance personnel - Ayuda sa ‘virus killers’ – janitors, sekyu, maintenance personnel
Senator Ralph Recto Usapang Barako 13 1 - Ayuda sa ‘virus killers’ – janitors, sekyu, maintenance personnel

Bukod sa mga doktor at nurses na araw-araw ang exposure sa COVID-19 tuwing naka-duty sa ospital, meron pang isang hanay ng mga trabahador doon ang nalalagay din sa panganib ang kalusugan.

Sila ang mga janitors, housekeepers, security guards at maintenance personnel. Hindi maayos na magagampanan ng mga health frontliners natin ang kanilang trabaho kung walang suporta mula sa hanay na ito.

Sa dami ng mga maysakit na pasyente sa ospital, importanteng mapanatili ng mga janitors at housekeepers ang kalinisan ng mga kwarto, laboratory, pasilyo, CR at paligid upang hindi na kumalat pa ang sakit. Oras ang binibilang bago ma-disinfect ang isang nabakanteng kwarto upang maihanda ito sa susunod na pasyente.

Mga guwardya naman ang nagbibigay seguridad at kaayusan sa loob at labas ng ospital.

At maintenance personnel ang nagkukumpuni sa lahat ng sirang gamit at pasilidad, upang siguruhing walang istorbo sa maayos na pagtakbo ng ospital.

Dahil nalalagay din sila sa panganib, minabuti nating ipanukala na bigyan rin sila ng hazard pay sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Ang nangyayari kasi, dahil private service providers ang kanilang estado na may kontrata sa government hospitals, hindi sila kwalipikado sa hazard at hardship pay kahit pa nakaamba ang COVID-19 sa bawat oras na nasa ospital sila.

Dahil mahalaga ang mga tungkuling ginagampanan nila, maituturing din silang frontliners sa panahon ng pandemya. Mga frontliners na tahimik na gumaganap sa kanilang trabaho kapalit ng minimum salary.

Sa parte ng lehislatura, sinimulan ko na ang pagsusulong nito sa pamamagitan ng panawagan at paghaharap ng bill sa Senado. Sigurado ako na marami tayong kasamahan ang susuporta sa ganitong panukala subalit matagal na proseso ang pagsasabatas nito.

May isang mabilis na proseso: kung magpalabas ng kautusan si Pangulong Duterte na isama sila sa mabibigyan ng agad na benepisyo tulad ng hazard pay.

Kung nakapagbigay ang pamahalaan ng bilyon-bilyong ayuda sa mga taong nasa loob ng kanilang bahay, ito pa kayang mga hospital workers na nagbubuwis buhay para maging maayos ang operasyon ng mga government hospitals natin?

Tatanawin nilang malaking utang na loob sa pamahalaan ang kaunting ambon ng biyayang mabibigay sa kanila.

Ang mga janitors gamit ang kanilang mop, basahan, sabon at disinfectant, samantalang ang mga guwardya gamit ang alcohol spray at infrared thermometer, sila ang maituturing nating “virus killers” ng mga ospital.

Subalit dahil nga privatized na ang kanilang serbisyo sa mga government hospitals, hindi sila entitled sa hazard pay kahit pa mapanganib ang kanilang trabaho.

Sanay mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga hanay nila na minimum wage ang sinasahod, subalit sobrang panganib ang sinusuong sa pagganap sa kanilang trabaho.

Sabi ko nga, may Senate bill tayong ipa-file para dito, subalit mas mabilis kung mismong Pangulo ang magsasabi na isama sila sa bibigyan ng ayuda.

The post Ayuda sa ‘virus killers’ – janitors, sekyu, maintenance personnel first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *