Ate Minnie ng Traslacion

​Kahapon sana naganap ang taunang Traslacion ng PoongHesus Nazareno ng Quiapo ngunit dahil sa pandemya, hindi itonatuloy.

The post Ate Minnie ng Traslacion first appeared on Abante.

ate minnie ng traslacion - Ate Minnie ng Traslacion
EDITORIAL LOGO XIAO CHUA Xiao Time - Ate Minnie ng Traslacion

​Kahapon sana naganap ang taunang Traslacion ng PoongHesus Nazareno ng Quiapo ngunit dahil sa pandemya, hindi itonatuloy. Ang huling Traslacion bago ang pandemya noongisang taon ang huli ring Traslacion ni Ate Minnie Seculles bagosiya magretiro noong 13 Pebrero 2020. Si Ate Minnie ang isa sapinakakilalang organisador ng Traslacion, siya ang nagsisilbingtulay sa mga opisyal ng pamahalaan, simbahan, pribadongsektor at media upang maisalya ng maluwalhati ang bawatTraslacion mula nang magsimula ito noong 2009.

​Mula noong nakaraang Linggo, sinubaybayan natin nahindi naging madali ang mga unang taon ni Minnie sa Parokya mula 2005. Sa baba ng kanyang kita, ang kanyang savings sakanyang unang trabaho sa Caritas ay mauubos na, “So yungtime na palapit na maubos talaga …sabi ko …iyon na mag aabroad na ako. Tapos nagdasal ako ulit kay Nazareno,…kinalibutan lang talaga ako diyan. Kasi sabi ko, Lord dalawalang: Bigyan mo ako ng bahay at makarating ako sa ibangbansa. Pero hindi ko intensyon na iyong iyong pagpunta ng ibang bansa yung gala kundi makaalis para makapagtrabahodoon. Pero hindi iyon ang ibinigay.”

​Naging kura paroko si Msgr. José Clemente Ignacio. Ang unang ginawa ay nirebyu ang dati niyang suweldo sa Caritas at ibinatay doon ang pagtaas ng kanyang suweldo at nakatanggappa siya ng backpay ng mga kulang sa loob ng tatlong taon. Liban pa dito, nagkaroon din siya ng bahay at bilang bahagi ng Youth Ministry, ay nakapaglakbay pa sa Thailand, Cambodia atAustralia.

​Napagtanto ni Ate Minnie, “Kaya talagang sabi ko ang galing naman ng mga blessing. …ang debosyon talaga pagtotoo kang magsasabi sa Kaniya at lalapit sa Kaniya talagangibibigay Niya.”

​Hindi man mamamasan si Ate Minnie, lumalim ang paglilingkod niya sa Nazareno, “Doon lumalim kaya parang sabiko nga, kahit mabigat ang trabaho noon parang napaka easy lang sa akin. …Iyong suweldo ko …hindi iyon matatawaran ng kahitsino pa man kundi iyong mas malalim na pananampalataya at pasasalamat. Wala iyong suweldo ko eh, kasi iyong happiness ba, iyong fulfillment sa pagtatrabaho ko dito. Mabigat samabigat iyong trabaho.”

​Isa na si Minnie sa tagapag-organisa nang tuluyan nangmaging Traslacion ang daan-daang taon nang prusisyon ng Nazareno sa Quiapo noong 2009. Siya ang naging gabay ko saaking pananaliksik ukol sa Traslacion at nakita ko mismo ang sipag niya at dedikasyon sa pagpaplano at pagpapatupad nito. Sa dulong bahagi pa ng Lungsod Quezon ang kanyang tahanan, nakikiangkas lamang sa motor upang tumungo sa Quiapo. Minsan wala nang uwian at sa simbahan na natutulog. Malaki ang respeto sa kanya ng mga matataas na tao sa lipunan at mgadeboto.

​Kahit sa kanyang bagong trabaho ngayon, hindi pa rinnalalayo sa dati, naglilingkod pa rin sa Senyor sa pamamagitanng paglilingkod sa kanyang kapwa.

The post Ate Minnie ng Traslacion first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *