Ate Minnie ng Quiapo

Ang taong 2020 ay maaaring sabihing “turning point” sa kasaysayan ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno ng Quiapo na gaganapin sana sa Enero Nuwebe.

The post Ate Minnie ng Quiapo first appeared on Abante.

ate minnie ng quiapo - Ate Minnie ng Quiapo
EDITORIAL LOGO XIAO CHUA Xiao Time - Ate Minnie ng Quiapo

Ang taong 2020 ay maaaring sabihing “turning point” sa kasaysayan ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno ng Quiapo na gaganapin sana sa Enero Nuwebe.

Ito ang huling Traslacion sa Quiapo ni Minerva Seculles bilang pinuno ng Quiapo Church Diasater Preparedness and Response Ministry, ang isa sa mga koordineytor ng malakihang event na tinatawag na “Pista ng Nazareno.” Nagretiro siya noong Pebrero 13, 2020 matapos ang halos 15 taon sa parokya. Matapos ang ilang araw, naganap na ang lockdown dahil sa COVID-19. Sa taong 2021, hindi na muna magkakaroon ng Traslacion ngunit magaganap pa rin sa mga susunod na araw ang mga novena masses.

Sa matagal na panahon, si Ate Minnie ng Quiapo Church ang makikitang isa sa punong abala ng kapistahan. Bagama’t ang mga pari at ang mayor ng Maynila ang mga tagapagpasya, si Ate Minnie ang nagsisilbing tulay. Siya ang nag-uugnay at kilala ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan at pribadong sektor na tumutulong na maisalya ang prusisyon sa ligtas lagi nitong katapusan taun-taon.

Ngunit paano ba nagsimula ang paglalakbay ni Minnie sa paglilingkod sa Poong Hesus Nazareno?

Si Minnie ay isang maybahay na nagtapos ng Community Development sa St. Joseph’s College of Quezon City. Ang una niyang trabaho ay sa Caritas Manila ngunit lumipat sa Quiapo noong 2005. Ang Quiapo ay mayroon lamang noon na 24 na empleyado (180 na ngayon). Ayon sa kanya, “Hindi ko alam pasok lang ako ng pasok. Hindi ko alam kung anu iyong pinapasukan ko. Pero ang nakikita ko lang noong una ay ang mga nakamaroon na t-shirt.” (Yun pala ang mga Hijos del Nazareno).

Ayon sa kanya, noon ay “Walang system, hindi organized yung sa management kasi anybody can be a social worker, anybody can receive donations. Hindi tulad ngayon na mayroon Finance Department…. Ngayon talagang klarong-klaro kung paano ka gumalaw.” Liban pa dito, di hamak na mas maliit ang ibinigay sa kanyang sahod kaysa sa nakukuha niya noon sa Caritas na kanyang tinanggap sa loob ng tatlong taon pa.

Sa panahong iyon, bilang pagdiriwang sa ika-400 taon ng pagdating ng mga paring Rekoleto sa Pilipinas, na siya namang nagdala ng Nazareno, noong 2007 ay ginanap ang pinakamalaking prusisyon ng Nazareno sa panahong iyon mula sa Luneta at ibinalik sa Quiapo.

Sa kabila ng hirap ng trabaho, naging inspirasyon ni Minnie ang mga naka-maroon na Hijos na kanyang tinutukoy. Sa kanyang pag-amin, hindi niya kabisado noon ang pananalangin ng Santo Rosaryo, “Sumasabay lang ako hindi ko kabisado. Nung nandito na ako para akong nahiya kasi itong mga Hijos na ito itong mga volunteer na ito bakit ganun na lang sila.”

Ano ang mangyayari sa buhay ni Minnie sa paglalim ng kanyang pananampalataya at gawain para sa Poong Hesus Nazareno ng Quiapo? Abangan.

The post Ate Minnie ng Quiapo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *