Apela sa DepEd, DOH

Maaaring nakakatawa ang titulo ng artikulong ito pero ito ang una kong naisip nu’ng nabasa ko ang email ng isa nating tagasubaybay ng ating pitak.

The post Apela sa DepEd, DOH appeared first on Abante News Online.

apela sa deped doh - Apela sa DepEd, DOH
Abante Kaye Dacer Aksyon Lady 1 - Apela sa DepEd, DOH

Maaaring nakakatawa ang titulo ng artikulong ito pero ito ang una kong naisip nu’ng nabasa ko ang email ng isa nating tagasubaybay ng ating pitak.

Ano-ano nga ba ang problema na naiisip natin tuwing pasukan? Napakarami, bukod sa gastusin sa eskuwelahan at pang-araw-araw na baon ng mga bata.

Pero may isang bagay tayong minsang nakakalimutan bukod sa pag-aasikaso ng mga bata sa araw-araw nilang pagpunta sa eskuwelahan. Napapaliguan, nasisipilyuhan, naayos natin ang kanilang uniporme at gamit pero bukod dito merong dapat suriin ang mga magulang at ito ay ang anit, buhok ng kanilang mga anak. Baka ‘di niyo namamalayan ay puro kuto at lisa na pala ang ulo ng inyong mga anak.

Maaaring nahawa o nakakahawa na pala ang inyong mga anak sa bahay at maging sa kanilang eskuwelahan. Ang mga kuto na ito at lisa ang salot sa ulo at maging sa pag-aaral ng mga bata.

Ang mga kuto ay sumisipsip ng dugo bilang pagkain at ang ang babaeng kuto naman ay nangingitlog at ito ay nagiging lisa sa buhok. Ano nga ba ang pakiramdam ng may makati sa iyong parte ng katawan lalo na sa ulo?

Ano rin ba ang pakiramdam na may gumagapang na kuto sa iyong ulo? Ang kuto at lisa o kuyumad pa na nababanggit ay sobrang kati sa ulo at baka ‘di natin naiisip na seryosong usapin ito pagdating sa hygiene o kalinisan ng mga bata kaya maganda siguro na tutukan ito ng mga magulang na mag-umpisa sa kanilang tahanan ang pagpuksa sa mga salot na ito sa ulo at buhok ‘di lamang ng mga anak at baka pati sila ay meron na rin.

Natatandaan ko nu’ng ako ay minsang nag-birthday sa isang day care center ay may mga nakita akong mga bata na walang ginawa kundi ang kamutin ang kanilang mga ulo. Nasilip ko na napakaraming lisa at may mga gumagapang pang kuto sa damit na mukhang nalaglag mula sa ulo ng bata. ‘Di ko tuloy napigilang tanungin kung sino ang magulang ng bata at nu’ng nakita ko ay pinagsabihan ko na suyuran at kung maaari ay gamutin ang ulo ng bata sabay abot ng pambili ng gamot. Isa siguro ito sa seryosong dapat ding tutukan sa mga eskuwelahan. Naisip ko lang na paano makakapag-aral ang isang bata na walang balakid kung sa ulo pa lang nila ay nandun na mismo ang problema.

Ang napakakating dulot ng kuto, kuyumad at lisa. Ang hinihiling sa akin ng isang nanay na nag-email sa akin ay maisulat ko raw sana sa aking pitak ang problemang ito at maipagbigay alam sa DepEd na ga­wing malawakan ang proyektong ito sa mga paaralan at mismong mga guro ang magsabi sa mga magulang na bigyan ng kaukulang oras ang pagtanggal ng mga alagang kuto, lisa sa ulo ng kanilang mga anak. Alam ko na may mga ganito nang proyekto ang mga eskuwelahan kagaya na lamang ng isang eskuwelahan sa Naga City na Suklay Buhok, Alis Kuto Project pero siguro ito ay ‘di lamang dapat proyekto kung kailan maisip kundi maging pang-araw-araw na proyekto dahil ang mga kuto, lisa ay araw-araw ring problema ng ilang mga estudyante o mga bata.

Sana ay tutukan din ng DepEd at DOH ang problemang ito sa mga eskuwelahan.

The post Apela sa DepEd, DOH appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *