Ano ba dapat ang nangyari sa kaso ng Wellmed?

Habang isinusulat ko ito, napag-alaman kong na-dismiss ang kasong estafa laban sa Wellmed Dialysis Center sa kadahilanang ito ay naisumite sa ma­ling korte, ang Quezon City Regional Trial Court Branch 2019. Alam niyo naman kung gaano ako kasikhay sa kasong ito at siguro alam niyo rin na ako ay nababahala sa naging desisyon ng korte patungkol dito. Ito sana ay maiiwasan kung nagbigay ng konsideras­yon at naglaan ng oras ang mga abogadong may responsibilidad dito.

ano ba dapat ang nangyari sa kaso ng wellmed - Ano ba dapat ang nangyari sa kaso ng Wellmed?
Abante Harry Roque Ok ka Harry - Ano ba dapat ang nangyari sa kaso ng Wellmed?

Habang isinusulat ko ito, napag-alaman kong na-dismiss ang kasong estafa laban sa Wellmed Dialysis Center sa kadahilanang ito ay naisumite sa ma­ling korte, ang Quezon City Regional Trial Court Branch 2019. Alam niyo naman kung gaano ako kasikhay sa kasong ito at siguro alam niyo rin na ako ay nababahala sa naging desisyon ng korte patungkol dito. Ito sana ay maiiwasan kung nagbigay ng konsideras­yon at naglaan ng oras ang mga abogadong may responsibilidad dito.

Ang desisyon na ito ay magiging daan upang hindi tuluyang malinis ang ranggo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na siyang kumakaharap ngayon sa napakaraming akusasyon patungkol sa korapsyon at pagnanakaw ng kaban ng bayan. Kaugnay nito, maaapektuhan din ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Act na siyang pinaghirapan natin. Gayumpaman, ang ating mga naging whistleblowers na siyang naglabas ng baho ng kalakaran sa loob ng Wellmed ay patuloy pa rin sa kanilang paninindigan na sila ay nagsasabi ng katotohanan.

Tinatawagan ko ang PhilHealth na parusahan o ‘di kaya’y sibakin si Senior Vice President Rodolfo B. Del Rosario, Jr. dahil sa kanyang kapalpakan sa paghabla ng reklamo sa maling korte. Bukod sa aspetong teknikal, may mga iba pang problema ukol dito.

Unang-una, hindi dapat hinayaan ng Philhealth na maging sakdal ang mga whistleblowers na sina Edwin Corita Roberto at Liezel Aileen De Leon.
Alalahanin natin na nalaman natin ang kabalintunaan ng mga ginagawa sa loob ng Wellmed dahil naglakas ng loob ang dalawang ito at kanilang isinantabi ang kanilang buhay propesyonal para sa katotohanan. Walang nakasaad sa batas na sila ay dapat patawanan ng anumang parusa sapagkat mayroon tayong umiiral na batas na nagpoprotekta sa mga whistleblowers.

Pangalawa, dapat kinasuhan na ni Atty. Del Rosario ang mga kawani ng PhilHealth na harap-harapang nakipagkun­tsaba sa mga may-ari ng Wellmed.

Maaalala natin na hindi maisasakatuparan ang mga gawaing ito kung walang tulong mula sa loob.

Panghuli, ang tamang kaso ay dapat graft and corruption o kaya pandarambong at hindi estafa! Ang mga taong salarin ay hindi lamang mapanlinlang, nilulustay at ginagatasan din nila ng pera ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ngunit sa kabila ng kaguluhan at kalituhang ito, mayroon pang tsansa upang itama ang pagkakamali. Ang tamang kaso ay puwede pa rin namang ikaso laban sa mga kawani ng Wellmed at sa mga alipores nito. Nang dahil nga na-dismiss ang kaso dahil sa teknikalidad, ang panuntunan tungkol sa double jeopardy ay hindi maaaring maihatol. Puwede lamang itong ma­ging double jeopardy kung ang tao ay nakasuhan at nahatulan na ng dalawang beses sa parehong reklamo.

Bago pa man maihabla ang tamang kaso, nananawagan ako sa mga bagong kawani ng PhilHealth na kumuha ng bagong Senior Vice President for the Legal Sector.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *