Ano ang parusa sa ejectment case? 

Dear Atty. Claire,

Tanong ko lang po ano pong parusa sa ejectment case. May kaso po kasi kami na gano’n at hindi namin alam ang parusa kasi wala kami pambayad atty. Hoping for a reply.  Thank you po,

The post Ano ang parusa sa ejectment case?  appeared first on Abante News Online.

ano ang parusa sa ejectment case - Ano ang parusa sa ejectment case? 
Abate Claire Castro Clear It - Ano ang parusa sa ejectment case? 

Dear Atty. Claire,

Tanong ko lang po ano pong parusa sa ejectment case. May kaso po kasi kami na gano’n at hindi namin alam ang parusa kasi wala kami pambayad atty. Hoping for a reply.  Thank you po,
Maritoni

Ms. Maritoni,

Alam mo sa sarili ko na mali na ang ginagawa ninyo dahil hindi makatarungan na magpatuloy na manirahan sa bahay ng iba nang hindi nagbabayad ng kaukulang renta. 

Tama lamang na magsampa ng kasong ejectment laban sa inyo at ang magiging desisyon rito ay paalisin kayo sa utos ng korte at pagbayarin kayo ng utang sa renta at attorneny’s fees na nagastos ng may-ari ng ari-arian para mapaalis kayo ng ligal.

      Ang magagawa mo lamang ay makipag-usap sa may-ari at mangako na aalis kayo sa inuupahan at kaun­ting palugit lamang ang kailangan. Huwag na sana kayo makipag­laban pa dahil alam ninyo na wala na ka­yong karapatan manatili sa ari-arian.

May mga pagkaka­taon kasi na may mga kababayan tayo na nanlalamang na lamang o taking advantage sa sitwasyon at tumitira sa bahay ng hindi nagbabayad ng anumang renta. Sana ay maisip nila na nakakaperwisyo sila sa may-ari kaya’t ang magandang magawa lamang ay sumamg-ayon na umalis na lamang upang ang parehong partido ay hindi na maperwisyo at hindi na umabot sa demandahan.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 92200245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.

The post Ano ang parusa sa ejectment case?  appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *