Ang tagumpay ni VP Leni

Lumabas na ang balita ngayong linggo na natapos na ang recount sa tatlong pilot provin­ces na pinili ng ­natalong kandidatong si Bong Bong Marcos ­kaugnay ng kanyang ­protesta na sinampa kay Bise Presidente Leni ­Robredo.

ang tagumpay ni vp leni - Ang tagumpay ni VP Leni
Barry Gutierrez Usapang Barrykada 2 - Ang tagumpay ni VP Leni

Lumabas na ang balita ngayong linggo na natapos na ang recount sa tatlong pilot provin­ces na pinili ng ­natalong kandidatong si Bong Bong Marcos ­kaugnay ng kanyang ­protesta na sinampa kay Bise Presidente Leni ­Robredo.

Ayon sa ilang lumabas na artikulo, nadagdagan pa ang lamang ni Bise Leni ng ­mahigit 15,000 na boto ­matapos ang recount.

Batay sa naging ­desisyon sa ibang ­protesta, ang ­pagkatalo ni Marcos sa recount ay dapat nang ­maging dahilan para tuluyan nang ibasura ang kanyang protestang isinampa. Malinaw na kung walang “substantial recovery” na napatunayan sa ­recount — at sa kasong ito, klarong klaro na wala — hindi na dapat ­hayaang magpatuloy pa ang protesta.

Ayon sa mismong tagapagsalita ng Korte Suprema, ang report tungkol sa recount na ito ay pormal nang inihain sa buong Presidential Electoral Tribunal (PET) noong nakaraan pang linggo. Inaasahan na magkakaroon na ng aksyon ang PET dito sa susunod na mga araw.

Dahil rito, hindi ­siyempre maiwasan na umikot na rin ang kung anu-anong ­kuwento at kuro-kuro tungkol sa nangyayari sa loob ng PET. Kasama na rito ang pangamba mula sa ilang panig na baka may “niluluto” para makapagpatuloy ang protesta sa kabila ng malinaw na resulta ng recount sa pilot ­provinces.

Sa aking pananaw, gusto ko pa ring magtiwala sa PET, lalo na’t sa ibang pagkakataon, tulad ng sa isyu ng 25% threshold sa pagbasa ng balota, ­maayos at makatarungan ang kanilang naging ­desisyon. Pero bilang mamamayan at botanteng Pilipino ­kailangan pa rin ­nating ­maging mapagmatyag at ­patuloy na ­magbantay sa magiging ­desisyon ng PET.

Kung may malinaw na resulta na ang ­recount sa pilot pro­vinces, sana’y maging batayan na ito para maitaguyod na ang matagal na nating alam. Ang malinaw na nagtagumpay noong eleksyon ng 2016 ay walang iba kundi si Bise Presidente Leni Robredo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *