Ang sumpa ng palakol

Mga ka-Misteryo, pag-usapan natin ngayon ang isang kuwento tungkol sa isang ‘sumpa ng palakol’ at kung ito ba ay maaa­ring mangyari sa totoong buhay?

The post Ang sumpa ng palakol appeared first on Abante News Online.

ang sumpa ng palakol - Ang sumpa ng palakol
palakol - Ang sumpa ng palakol

MISTERYO
Rey T. Sibayan

misteryo 336x202 - Ang sumpa ng palakolMga ka-Misteryo, pag-usapan natin ngayon ang isang kuwento tungkol sa isang ‘sumpa ng palakol’ at kung ito ba ay maaa­ring mangyari sa totoong buhay?

Biglang nakakita si Waldo ng isang palakol habang pauwi siya mula sa trabaho. Nagkataon naman na kailangan niya ang palakol dahil hindi na isinoli ng kumpare niya ang hiniram na palakol.

Ang resulta, tambak na sa kanilang bakuran ang sangkaterbang kahoy na panggatong na sana ay ibebenta niya sa pamilihang bayan.

Laking tuwa ni Waldo nang bigla niyang makita sa daanan pauwi ang isang palakol at unang naisip niya ay ayusin na ang mga kahoy para maibenta ang karamihan sa bayan.

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay may misteryong nakabalot sa palakol — ang sinumang mag-may ari nito ay mapapasailalim sa kanyang kapangyarihan.
Pagsapit ng dapithapon ay biglang nawala sa sarili si Waldo at tila mabangis na hayop na naghahanap ng biktima at papatayin para mabuhusan ng dugo ang palakol na animo’y buhay na bagay na nagdidikta sa kanyang ginagawang pagpatay.

Ilang beses nang palaisipan sa mga awtoridad sa kanilang lugar ang misteryong pagkamatay ng mga biktima na halos hindi makilala sa tindi ng pinsala mula sa palakol.

Hanggang isang araw ay makita ng kanyang baldadong ina ang biglang pag-alis ni Waldo sa kanilang bahay hawak-hawak ang palakol at inabangan niya pag-uwi si Waldo na naliligo sa dugo at hawak ang duguang palakol. Hanggang sa dumating ang mga pulis at inaresto si Waldo.

Sa larangan ng Paranormal at Metaphysical, maaaring maiwan sa isang bagay o sa armas ang espiritu o masamang enerhiya ng nag-may ari nito at totoong maimpluwensiyahan ang sinuman na hahawak dito.

Gayunman, karaniwan lang na mararamdaman ng isang sensitibong tao o psychic ang enerhiya lalo na kung ginamit sa kasamaan, at matinding kaso kapag nauwi sa demon possession.

Kung kaya’t ang payo ko sa mga mahihilig bumili ng mga antigo, mag-ingat po tayo baka ‘yan pa ang magdala ng kamalasan o trahedya sa inyong pamilya.
Para sa mga kuwento o karanasang kababalaghan, mag-email samisteryophilnet@gmail.com o makipag-ugnayan sa FB Page: misteryo Pilipinas.

The post Ang sumpa ng palakol appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *