Ang resolusyon ng UNHRC: Kuskos-balungos lamang

Nagbubunyi ang mga kritiko ng administrasyong Duterte sa pagkaka-apruba nito lamang ng isang resolusyon mula sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na nanghihingi ng komprehensibong datos patungkol sa diumano’y patayan at pinsalang idinulot ng mas pinaigting na giyera laban sa iligal na droga sa bansa. Habang mayroong mga tao na gustong malaman ang mga pangyayari ukol sa resolusyon galing sa UNHRC, mayroon ding mga deklarasyon mula sa mga kritiko ng Pangulong Duterte na gustong ilayo ang tunay na isyu sa iligal na droga. Ang kolum na ito ay magsilbi nawang paglilinaw sa magiging epekto ng resolusyon.

The post Ang resolusyon ng UNHRC: Kuskos-balungos lamang appeared first on Abante News Online.

ang resolusyon ng unhrc kuskos balungos lamang - Ang resolusyon ng UNHRC: Kuskos-balungos lamang
Abante Harry Roque Ok ka Harry - Ang resolusyon ng UNHRC: Kuskos-balungos lamang

Nagbubunyi ang mga kritiko ng administrasyong Duterte sa pagkaka-apruba nito lamang ng isang resolusyon mula sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na nanghihingi ng komprehensibong datos patungkol sa diumano’y patayan at pinsalang idinulot ng mas pinaigting na giyera laban sa iligal na droga sa bansa. Habang mayroong mga tao na gustong malaman ang mga pangyayari ukol sa resolusyon galing sa UNHRC, mayroon ding mga deklarasyon mula sa mga kritiko ng Pangulong Duterte na gustong ilayo ang tunay na isyu sa iligal na droga. Ang kolum na ito ay magsilbi nawang paglilinaw sa magiging epekto ng resolusyon.

Una, ang UNHRC, gaya ng hinalinhan nitong United Nations (UN) Human Rights Commission, ay isang tigreng walang pangil. Ang tanging kayang gawin lamang ng grupong ito ay maging isang mekanismo ng pandurusta upang pili­ting sumunod ang mga miyembrong bansa ng UN sa kagustuhan nitong mga kasunduan patungkol sa pagpoprotekta ng karapatang pantao.

Ang grupong ito ay walang kakayahang magbigay ng sentensya o magpataw ng hatol. Dagdag dito, bilang isang mekanismo ng paniningil, kailangang magkaroon ng awtoridad ang UNHRC pagdating sa moral na aspeto bago ito magpanawagan ng pagpapatupad ng respeto sa karapatang pantao. Para klaro, ang UNHRC ay walang ganitong moral autho­rity, dahil kung mayroon sila nito, bakit patuloy pa rin ang diskriminasyon at pagpapaslang sa mga miyembro ng LGBT sa mga estadong parte ng HRC?

Pangalawa, bilang isang makinarya ng pagpapatupad sa karapatang pantao, ang mandato ng HRC ay limitado lamang sa pagtingin kung sumusunod ba ang mga mi­yembrong bansa sa mga napagkasunduan ng UN. Ito ay puwedeng gawin sa pamamagitan ng periodic review o sa pagbisita ng mga special rapporteur na bumibisita para mag-imbestiga. Gayum­panan, ang mga periodic review ay napatunayan nang hindi epektibo sa pagtitiyak ng pagsunod sa mga napagkasunduan, samantala ang mga special rapporteur naman ay kailangang maimbita muna. Sa estado nakaangkla ang kaukulang karapatan kung iimbitahan ba nila ang mga special rapporteur.

Bakit nga ba ganito ang sistemang mayroon tayo patungkol sa HRC? Ang sagot dito ay ang dahilan ng pagkakaroon ng UN ay naka-angkla sa paggalang sa soberanya ng mga estado. Sumapi ang mga bansa sa UN sa paniniwalang ito ay magsisilbi sa kanilang mga interes. Dahil dito, hindi puwedeng gumana ang UN sa pamamagitan lamang ng kagustuhan nila sapagkat hindi ito ang dahilan ng kanilang pagkakatatag.

Napahiya ba ang ating bansa dahil sa resolusyong ito? Para sa akin, hindi. Ang nangyaring pagboto ng mga kinatawan ng UNHRC ay magbibigay sa atin ng perspektiba: 18 pabor, 15 abstain, at 14 na hindi pabor. Dahil mayroong 47 na miyembrong estado ang UNHRC, ang 18 botong pumabor sa resolusyong ito ay hindi maituturing na majo­rity vote. Kung titignan niyong mabuti, ang 18 estadong ito ay kasama sa listahan ng mga bansang matagal nang kritikal sa administrasyong Duterte.

Panghuli, kung binasa niyo talaga ang resolus­yon mula sa HRC, ang tanging ipinapanawagan lamang nito ay ang datos ng diumano’y pamamaslang. Hindi pa nito sinesentensyahang guilty ang ating bansa sa paglabag ng mga napagkasunduang batas patungkol sa karapatang pantao.

Ito lamang ang masasabi ko sa mga kritiko ng Pangulo: Ang inyong kuskos-balungos ay wala sa lugar.

The post Ang resolusyon ng UNHRC: Kuskos-balungos lamang appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *