Ang Papel ni Ninoy sa Kasaysayan part 2

​(Karugtong) Nang umuwi si Ninoy Aquino sa Maynilanoong 21 Agosto 1983, nais niyang makausap si Pangulong Ferdinand Marcos na makipagtulungan sa oposisyon na maibalik ang demokrasya sa kabila nang napipintong pagkakakulong. Dala niya ang naratibo ng “pagkakaisa, pakikipagkasundo, kapayapaan.” Sa panahong ito, lugmuk na ang ekonomiya, ang pinakamababa sa panahon matapos ang digmaan, dahil sa iba’t ibang mga sanhi ngunit malakas din ang ugong-ugong na maysakit ang pangulo at may pananaw ang ilan hindi na niya kontrolado ang sitwasyon.

The post Ang Papel ni Ninoy sa Kasaysayan part 2 first appeared on Abante.

ang papel ni ninoy sa kasaysayan part 2 - Ang Papel ni Ninoy sa Kasaysayan part 2
Xiao Chua Xiao Time 26 5 - Ang Papel ni Ninoy sa Kasaysayan part 2

​​

​(Karugtong) Nang umuwi si Ninoy Aquino sa Maynilanoong 21 Agosto 1983, nais niyang makausap si Pangulong Ferdinand Marcos na makipagtulungan sa oposisyon na maibalik ang demokrasya sa kabila nang napipintong pagkakakulong. Dala niya ang naratibo ng “pagkakaisa, pakikipagkasundo, kapayapaan.” Sa panahong ito, lugmuk na ang ekonomiya, ang pinakamababa sa panahon matapos ang digmaan, dahil sa iba’t ibang mga sanhi ngunit malakas din ang ugong-ugong na maysakit ang pangulo at may pananaw ang ilan hindi na niya kontrolado ang sitwasyon.

​Bagama’t kumikilos na ang maraming progresibong grupo laban sa diktadura mga higit sampung taon na—mga magsasaka at manggagawa, mga maralitang tagalungsod at mga taong simbahan, hindi pa ito ganoon karami.

​Ngunit nang mapaslang si Ninoy sa kabila ng dalawang libong sundalong nagbabantay sa airport, naramdaman ng middle class ang “sense of danger.” Kung itong mataas na taona ito ay napaslang pa kahit andaming nagbabantay sa katanghaliang tapat, paano pa ang ordinaryong tao?

​Sa sampung araw na sumunod, daang libong tao ang nakiramay sa Quezon City at sa Tarlac. Mula sa Lubang Island, lumuwas ng Maynila si Edgardo Mercader na ipinagpaliban ang napipintong pagbabalik sa Saudi kahit nakabili na ng ticket. Mahirap na desisyon ito noon pero naramdaman niya na kailangan ng mga taong katulad niya na sasama sa mga magiging pagkilos, “Napakalungkot, isang lumalaban sa isang diktadurya na katulad ni Ninoy, na mawala ang isang magaling na liderato ng ating bansa.”

​Noong 31 Agosto, dalawang milyong tao ang nakipaglibing. Mula umaga, umabot ng gabi ang prusisyon sa gitna ng malakas na ulan. Sa alaala ni Ed, “You cannot imagine that almost all people in Metro Manila joined the funeral.” Nakasama siyang maglakad mula Highway (EDSA) hanggang Manila Memorial.

​Sa sumunod na dalawang taon, naging sunod-sunod ang pagkilos ng mamayan sa Maynila at maging sa mga lalawigan. Nakibahagi sa mga ito kasama ang mas marami pang estudyante ang dating nagdududa pa kay Ninoy na aktibistang si Chuck Crisanto, na ngayon ay Executive Director ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.

​Si Ed naman ay isa siya sa mga 60-katao na nagpasimula ng martsang “From Tarlac to Tarmac” noong Pebrero 1984 mula sa bahay ni Ninoy sa Concepcion. Ilang araw silang naglalakad at dumarami ang kanilang mga kasama. Sa paglaon, sumama siya sa grupong “August Twenty-One Movement” (ATOM) na inorganisa ng kapatid ni Ninoy na si Butz Aquino (na siyang may malaking papel sa pagpapatawag ng People Power sa EDSA noong 1986).

​Ang papel ni Ninoy sa kasaysayan ay ito: Mahilig talaga ang mga Pilipino sa personalidad. Kailangan magkaroon ng mukha ang kawalan ng demokrasya. Ang masang Pilipino angtunay na mga bayani ng EDSA, pero hindi kalabisang sabihin na ang imahe ni Ninoy ang kanilang tanglaw para magkaisa tungo sa tagumpay ng 1986.

The post Ang Papel ni Ninoy sa Kasaysayan part 2 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *