Ang kinang ng pambansang budget

Natapos na rin ang naging matinding awayan ng dalawang kampo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na naging laman ng mga balita. Para sa marami, ang naging labanan ay para sa kapangyarihang mamuno nito bilang Speaker. Nguni’t para sa iba, mayroon pang mga mas malalim na mga kadahilanan. Kabilang dito ang halalan sa taong 2022 at ang nababasang hangarin ni dating Speaker Cayetano na tumakbo sa pagka-presidente.

The post Ang kinang ng pambansang budget first appeared on Abante.

ang kinang ng pambansang budget - Ang kinang ng pambansang budget
TALAGA ba 13 - Ang kinang ng pambansang budget

Natapos na rin ang naging matinding awayan ng dalawang kampo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na naging laman ng mga balita. Para sa marami, ang naging labanan ay para sa kapangyarihang mamuno nito bilang Speaker. Nguni’t para sa iba, mayroon pang mga mas malalim na mga kadahilanan. Kabilang dito ang halalan sa taong 2022 at ang nababasang hangarin ni dating Speaker Cayetano na tumakbo sa pagka-presidente.

Kasalukuyang pinagtatalunan ng Mababang Kapulungan ang budget para sa susunod na taong 2021. Ang 2021 ay lubhang mahalaga para sa mga politiko sapagka’t ito ang taon kung saan maghahanda sila ng kani-kanilang mga tahimik na pangangampanya. Ang isang anyo ng ganitong gawain ay ang sinasabing pagpapa-pogi sa pamamagitan ng mga proyekto na ikakatuwa ng mga botante. Nguni’t ang mga proyekto ay nangangailangan ng pondo na manggagaling sa pambansang budget. Sa madaling salita, kailangan nila ng impluwensya sa magiging budget para sa 2021 para maisakatuparan nila ang kanilang pagpapa-pogi. Bukod pa riyan, kagaya ng sapantaha ng marami, ang pagkakaroon ng mga piniling proyekto ay maari ring panggalingan ng pondo para sa eleksyon sa pamamagitan ng komisyon mula sa mga kontraktor at iba pang uri ng katiwalian.

Para sa isang politiko kung saan nakasalalay ang kanyang magiging tagumpay sa mga politikong susuporta sa kanya, ang budget ay isa ring mabisang instrumento para makuha ang loyalty at suporta nila. Ang pagseseguro na mabibiyayaan ang kanyang mga kaalyado ng mga proyekto sa ilalim ng budget ay isang matibay na dahilan kung bakit ninanais ng sinuman ang pagkakaroon ng impluwensya sa budget. At sa ilalim ng ating saligang batas, ang pambansang budget ay nakasalalay ng mabigat sa Mababang Kapulungan.

Ganun ang kinang ng pambansang budget—isang mabisang mapanggagalingan ng pera, suporta, at kapangyarihan. Samakatuwid, ganun din dapat kahalaga ang pagbabantay natin sa mga prosesong patungkol sa budget para hindi tayo malusutan.

Nakakatuwa malaman na sa buong rehiyon ng Southeast Asia, ang Pilipinas ang may pinakamataas na antas ng pagiging bukas na sistema ng budget para sa 2019. Sa harap ng kabi-kabilang mga akusasyon hinggil sa pag-bilanggo sa budget para sa mga layuning personal, nakakapag-bigay ng pride na dinaig natin ang ating mga karatig-bansa sa ganitong larangan.

Bagama’t maganda ang ating narating, hindi nangangahulugan na maari na tayong maging kampante. Sa ngayon, ang isang nagiging malaking balakid para sa pagkakaroon ng lubos na pagkabukas ng budget ay ang pagkakalagak sa mga datos sa isang sistemang manual kung saan—dahil sa dami nito—nagiging mahirap ang anumang pag-aaral o pagbusisi. Nararapat na bilisan na nga pamahalaan ang tinatawag na digitalization, o ang paglalagay sa mga datos ng budget sa isang anyo na maaring gamitan ng mga kasangkapang elektroniko kagaya ng kompyuter. Hindi nga magiging madali ito. Pero, hindi rin imposible ito. Sabi nga, kapag gusto, may paraan.

The post Ang kinang ng pambansang budget first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *