Ang babae sa Makiling

Mga ka-Misteryo may nakapagsabi na ba sa inyo kung ano ang hitsura ni Maria Makiling?

ang babae sa makiling - Ang babae sa Makiling
Rey T. Sibayan Misteryo 3 - Ang babae sa Makiling

MISTERYO
REY T. SIBAYAN

Mga ka-Misteryo may nakapagsabi na ba sa inyo kung ano ang hitsura ni Maria Makiling?

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Kapag may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Sa kuwentong karanasan ni Mary ng Mandalu­yong, hindi niya inakala na si Maria Makiling ang kanyang nakita pero ‘yun ang kanyang malakas na kutob nang umak­yat sila sa bundok.

Tunghayan natin ang kuwento ni Mary:

“Habang paakyat sa bundok, mararamdaman mo ang presence ng isang protector.

Dahil dito, minarapat kong magdasal para na rin makapagpaalam sa aming pagpasok sa teritoryo niya (Makiling).

“May narinig akong boses na may binulong sa te­nga ko. Ito ay boses na malalim at parang lalaki. Alam kong babae ang kasunod ko at impossible na siya ang nagsalita nun ngunit tinanong ko pa rin siya kung may sinabi ba siya. Sa hitsura niya ay binalewala niya ang tanong ko at mukhang wala rin siyang narinig. Puro huni lang ng mga cicada at mga dahon ang mariri­nig noon ngunit ang bulong sa akin ay buong boses ng isang nilalang na nagsasalita. Subalit, kahit gaano kalinaw ang pagkarinig ko nito, ‘di ko naintindihan ito at ‘di ko rin mabigkas para ulitin.

“Pagkatapos nito, sumunod ako sa guide at dahil nagkamali siya ng direksyon, dito nangyari ang isang problema. Naipit ang kaliwang tuhod ko ng dala­wang buhay na bato. Kaya paika-ika akong naglakad. Marahil ‘yung bulong ay babala sa akin na mag-ingat.

“Gabing-gabi na nang kami ay makalabas na ng bundok. Sa paanan ay may naghihintay na jeep pa­balik sa siyudad. Nang sumakay kami, sobrang di­lim sa labas. Ang ilaw lamang sa jeep ang liwanag, ngunit nang ako’y tumingin sa labas para pagmasdan ulit ang bundok, nakita ko ang animo’y si Maria Makiling. Hindi siya nagpakita sa akin bilang isang magandang babae. Isa siyang matandang babae na sob­rang haba ng grey na buhok. Hindi maliwanag ang hitsura niya at siya ay sumasabay sa bilis ng takbo ng jeep. Halos siya ay lumilipad lamang sa gilid. Natakot ako sa kanya kaya ako ay yumuko na lamang. Ngunit sa pagbalik ng aking paningin sa jeep ay may nakasakay na isang engkanto sa dulo ng jeep at nakaharap sa guide namin. Walang ibang nakakakita sa engkanto. Lahat sila ay nagkukuwentuhan lamang at ang nila­lang ay nakatingin lamang sa kanila. Ito ay maitim at matangkad. Dahil ito ay nasa tapat ng grupong nagkukuwentuhan, minarapat ko na lang na ‘wag makisalo sa kuwento nila at tumingin nalang sa direksyon ng dri­ver. Nang malapit na kami sa siyudad ay tinitingnan ko ulit ang engkanto ngunit wala na ito doon.

“Nang makababa na kami tsaka ko lamang sinabi sa kanila ang mga nangyari. Ngunit ‘di naman sila natakot”

Sinadya kong ilahad ang kanyang kuwento para malaman niyo ang buong totoong kuwento at hindi lamang gawa-gawa ng kanyang imahinasyon.

Ang payo ko sa mga gustong umakyat saanmang bundok, magbigay respeto tayo sa mga nilalang na nakatira sa lugar para maiwasan ang anumang problema.

Para sa inyong mga kuwentong kababalaghan o Misteryo mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang websites: www.reytsibayan.com, abante.com.ph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *