Ang anino sa sapa

Mga ka-Misteryo, naka-rinig na ba kayo ng kuwento ng mahiwagang pagkawala ng mga bata kapag naliligo sa sapa o ilog? Ito ba ay totoo o fake news na pawang likhang-isip amang ng tao.

The post Ang anino sa sapa appeared first on Abante News Online.

ang anino sa sapa - Ang anino sa sapa
misteryo - Ang anino sa sapa

Mga ka-Misteryo, naka-rinig na ba kayo ng kuwento ng mahiwagang pagkawala ng mga bata kapag naliligo sa sapa o ilog? Ito ba ay totoo o fake news na pawang likhang-isip amang ng tao.

Maalala ko noong nasa elementarya pa ko, ginawang pananakot sa aming mga bata sa La Union na wag maliligo mag-isa sa ilog, baka bigla kaming kunin ng mga engkanto o di man kaya ay ‘kumaw’ na nangunguha ng bata para idiilig ang dugo sa haligi ng itinatayong tulay.

Halos katulad nito ang kuwento ng isang anino na nangunguha ng mga bata sa isang barangay. Sa simula mga batang naliligo sa sapa ang kinukuha dahil walang kasamang magulang. Ngunit ng mga sumunod na araw pinapasok ng anino ang mga bahay na may batang walang kasamang magulang at kinukuha sila.

Sa takot ni aling Martina na isa ring ina, naghanap sya ng sagot sa Biblia. Nabasa nya ang nakasulat na pagpapahid ng dugo ng tupa sa mga pinto upang di makapasok ang anino ng kamatayan. Dahil bibihira lamang ang tupa sa Pilipinas ay gumamit siya ng dugo ng kambing.

Ang mga di naniwala ay patuloy na nawalan ng anak.

Marami ang nagsasabi na dinala ang mga bata sa kabilang dimensiyon bagaman pati katawang lupa ay marahil tina-ngay din.

Dahil sa pangyayari ay nagdesisyon ang lider-barangay na gayahin ang ginawa ni Martina at sa awa ng Poong Lumikha ay natigil ang pagkawala ng mga bata.
Ang kuwentong ito katulad ng karanasan ng aking lola Ylang na noong bata pa siya ay kinukuha siya ng mga sirena. Maraming beses umano siyang tinangay ng mga ito at pinipilit kumain ng kanilang pagkain.

Ngunit maraming beses na rin siyang tumanggi sa alok na pagkain ng mga sirena. Kung kaya’t laging bigo ang mga sirena sa kanilang hangarin o misyon sa aking lola Ylang.

Lalu pa silang naharang at tuluyang hindi na bumisita sa aking lola nang kabitan siya ng kanyang ina mg maraming aspile o perdeble. May paniniwalang takot sa makikinang na bagay ang mga sirena.

Mula noon ay hindi na ginambala ng sirena ang aking lola bagaman may pagkakataon na nakaka-rinig siya mga tawag sa kanyang pangalan lalu na pag dis oras ng gabi.

Maraming ganitong karanasan ang nangyayari bagaman ipinagwawalang bahala na lamang ng mga magulang.

Ngunit sa aking karanasan sa larangan mg paranormali at metapisikal ay may mga nangyaring namamatay ang katawang lupa ng isang biktima dahil binihag na ng mga engkanto ang kanilang mga kaluluwa.

Habang may mga kaso naman na nagigising ang isang biktima ngunit nagbago na ang lahat sa kanya — ugali man o pana-namit. Ito ay tinatawag na ‘walk-in’ na ang ibig sabihin ay iba na ang nasa katawang lupa ng biktima at ito ay isang engkanto.

The post Ang anino sa sapa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *