Ang aking ‘safe trip’ sa Elyu (La Union)

Noong Disyembre 16 hanggang 17, pumunta ako sa La Union upang ilunsad ang R1 VISITA, o Region 1 Visitor Information and Travel Assistance.

The post Ang aking ‘safe trip’ sa Elyu (La Union) first appeared on Abante.

ang aking safe trip sa elyu la union - Ang aking ‘safe trip’ sa Elyu (La Union)
FINAL columnists Berna Romulo Puyat safe trip pinas abante - Ang aking ‘safe trip’ sa Elyu (La Union)

Noong Disyembre 16 hanggang 17, pumunta ako sa La Union upang ilunsad ang R1 VISITA, o Region 1 Visitor Information and Travel Assistance.

Ito ay isang digital platform na tumutulong na ipatupad ang mga protokol na pangkaligtasan sa Region 1. Sinamahan ako ng kaibigan ko na si Dimples Romana.

First time din naman ng aktres na makapunta sa La Union, kasama ang kaniyang butihing asawa na si Boyet. Gusto niya gumawa ng vlog upang ma-promote ang mga magagandang puntahan sa bansa natin.

Matagal nang tumutulong si Dimples sa pagpalaganap ng turismo sa Pilipinas. Sumikat ang kanyang Oh Dani memes kung saan ang karakter niyang si Daniella sa Kadenang Ginto ay naka-photoshop sa iba’t-ibang lugar ng Pilipinas habang nakasuot ng pulang gown, dala ang kanyang luggage. Binisita rin niya ako sa DOT noong nakaraang taon upang makatulong sa pag-promote ng mga ‘di kilalang destinasyon, mga museo at heritage sites, at isulong ang responsableng turismo.

Syempre, sinigurado din naming negative ang resulta ng aming RT-PCR test bago tumungo sa La Union.

Sinimulan namin ang araw sa isang late lunch sa The Shrine of Satisfaction kung saan naroon din ang sikat na El Union Coffee. Dito ay nagkita rin kami ng aking kaibigan na si Kiddo Cossio, isa sa mga founders ng sikat na coffee shop.

Napakasarap ng aming naging kwentuhan nina Dimples at Kiddo tungkol sa coffee farming sa La Union, kung saan sikat din ang Sablan Coffee, surfing at syempre buhay pamilya. Natuwa rin ako sa ipinaabot na regalo ng 17-year old na anak ni Dimples na si Callie. At a very young age, ay may local bag business na ito.

Noong kinaumagahan, natuwa ako nang naikwento ni Dimples na first time nyang sumubok mag-surf kasama ang isa sa mga surf instructors sa La Union na si Lemon Dines. Naalala kong si Lemon din ang nagturo sa aking pumanaw na asawa, 18 years ago.

Kinahapunan ay bumisita ako sa Bangar, La Union kung saan nakita rin namin ang ibang produkto ng La Union, tulad ng habi gawa sa Inabel sa RP Lucina Loomweaving. Maraming salamat kay Bangar Mayor Joy Merin sa pag-tour sa amin.

Nabisita rin namin ang Bahay na Bato sa Luna, kung saan tinanggap kami ni Mayor Rachel Pinzon. Ang artistang si Alvin Rivera Noble ay gumawa ng kamangha-manghang floor mosaic gawa sa bato na inilagay sa daanan ng gallery at museo.

Dalawang araw lamang ako sa probinsya ng La Union pero tuwang tuwa ako sa aking mga nakasama at nakita. Sa totoo lang ay ako rin ay nasasabik na magbukas muli ang La Union sa Luzon tourists dahil iba pa rin talaga ang sariwang hangin mula sa dagat. Sa tulong ng LGUs sa pamamahala ni Gov. Pacoy Ortega at nawa’y maisagawa ito, kasama siyempre ng proper health and safety protocols.

Hanggang sa muli, have a safe trip, Pinas!

The post Ang aking ‘safe trip’ sa Elyu (La Union) first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *