Anay sa PCSO

Dear Abante,
Walong buwan na pagpapasara ng pamosong Isla ng Boracay, pagpapasara ng ilang resort sa El Nido, Palawan, at iba pa, ilan lamang ito sa mga masasakit na hakbang na ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte. Maraming umalma, maraming nawalan ng kita at trabaho, marami ang tumuligsa, pero ano po ang inaani natin ngayon?

anay sa pcso - Anay sa PCSO
Sulat kay Editor - Anay sa PCSO

Dear Abante,
Walong buwan na pagpapasara ng pamosong Isla ng Boracay, pagpapasara ng ilang resort sa El Nido, Palawan, at iba pa, ilan lamang ito sa mga masasakit na hakbang na ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte. Maraming umalma, maraming nawalan ng kita at trabaho, marami ang tumuligsa, pero ano po ang inaani natin ngayon?

Hindi po ba ang pagkilala ng iba’t ibang bansa sa buong mundo ukol sa pagmamahal sa kalikasan at seryosong paglipol sa mga corrupt na matagal nang nakaupo sa puwesto o ang tinaguriang ‘untouchables’? Lahat ‘yan tinibag ng adminstrasyon.

Ito po ang nakikita ko sa ginawang hakbang na pagpapasara sa lahat ng lotto outlets, sa lahat ng pinagkalooban ng PCSO na mag-operate, kasama na diyan ang Small Town Lottery, Keno at Peryahan ng Bayan (PB), sa 30,284 na naipasarang outlet, madami ang mawawalan ng trabaho tulad ng nangyari sa Boracay, hindi po ito isasantabi ng pamahalaan.

Habang ang mga humihingi ng tulong mula sa Individual Assistance Program (IMAP) at iba pa, ay hindi po ito kasama sa ipinatigil ng Pangulo, sa halip ay tuloy po ang pagtulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa lahat ng mga ospital na meron pong DSWD o dili kaya ay maaari pa ring tumawag sa hotline ng PCSO o sa website.

Yes po, muli pong papahintulutan na magbukas o makapag-operate ang lahat ng naipasarang lotto outlets sa buong bansa, matapos ang paglilinis sa anay at lahat ng korap sa PCSO.

Kaya wala pong dapat na ipangamba ang ating mga kababayan ukol sa pagpapasara na ito, sa matagal na panahon, bilyon na ang kinita ng mga corrupt sa PCSO, panahon na para sila po ay lipulin at papanagutin sa batas. Salamat po.
Tito X

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *