Aksyon ng NTF C.O.D.E. team sa Iligan City at Cotabato City

Naging abala po ang ating tanggapan, ang Presidential Communications Office (PCOO) sa unang Linggo ng Setyembre dahil sa mga aktibidad na may kinalaman sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan laban sa COVID-19.

The post Aksyon ng NTF C.O.D.E. team sa Iligan City at Cotabato City first appeared on Abante.

aksyon ng ntf c o d e team sa iligan city at cotabato city - Aksyon ng NTF C.O.D.E. team sa Iligan City at Cotabato City
Mediaman martin andanar 4 750x430 2 6 - Aksyon ng NTF C.O.D.E. team sa Iligan City at Cotabato City

Naging abala po ang ating tanggapan, ang Presidential Communications Office (PCOO) sa unang Linggo ng Setyembre dahil sa mga aktibidad na may kinalaman sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan laban sa COVID-19.

Kasama ang National Task Force for COVID-19, bumiyahe po kami sa Iligan City at sa Cotabato City para tingnan ang sitwasyon at i-assess ang mga tulong na iaabot ng national government sa mga nabanggit na lugar.

Kabilang po dito ang pagtatatag ng One Hospital Command para sa Region 10 para masiguro ang epektibo at episyenteng health facility referral para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ang One Hospital Command po ay pangangasiwaan ng Mindanao Medical Center at ang Regional Director ng NTF for COVID-19 sa layuning mapababa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 at maabot po natin ang zero death.

Mataas po ang COVID-19 infection sa Iligan City kaya isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong lungsod hanggang September 30 para mabawasan o kung hindi man ay tuluyang makontrol ang kontaminasyon ng COVID-19.

Sa pagbisita po natin sa Iligan City, ipinatawag ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) ang mga lokal na opisyal para mapaigting ang mga hakbang sa ginagawang paglaban ng gobyerno sa COVID-19.

Sa ginawang pulong, inilatag po ni NTF COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ang mga adhikain at implementasyon ng National Action Plan laban sa COVID-19 para maisalba ang buhay ng maraming Pilipino, mabawasan ang bilang ng mga namamatay sa sakit at maibangon ang ekonomiya.

Binigyang-diin ni Secretary Galvez sa mga local executives sa Iligan City ang importansiya ng epektibong contact tracing team na mayroong sistematikong monitoring para sa mga residente kagaya ng ginawa ng Valenzuela City.

Inatasan ni Secretary Galvez ang mga opisyal na alisin ang opsiyon na home quarantine para i-isolate ang mga asymptomatic na pasyente dahil mas malaki ang mapanganib na mahawa ang mga kasama aa bahay.

Ito aniya ang nangyari sa Laguna at Cebu kung saan 70% ng mga may sintomas ng COVID ay nag-home quarantine kaya nag-spike o tumaas ng husto ang kaso ng COVID cases.

Sa mensahe po ni Secretary Galvez sa mga opisyal ng Iligan City, binigyang-diin nito na mahalagang mapangalagaan ang lungsod laban sa COVID dahil ito ang sentro ng ekonomiya pati na ang Cagayan de Oro City at dapat na magpatupad ng mahigpit na mga hakbang para sa sektor ng pagnenegosyo.

Sa ganitong paraan aniya ay unti-unting mabubuksan ang ekonomiya at mapanatili ang zero deaths.

Sa atin pong panig bilang miyembro ng CODE, idinetalye ko po ang mga inisyatibang ginagawa ng national government at ang patuloy na information drive para makarating sa pinaka-liblib na bahagi ng Pilipinas ang mga ginagawa ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19 gamit ang iba’t ibang platform, gaya ng social media, radyo at telebisyon.

Isa sa epektibong ginagawa po ngayon ng PCOO ay ang araw araw na Laging Handa public briefing kung daan dito nalalaman mg sambayanan ang pinaka-sariwang impormasyon at mga ginagawa ng gobyerno sa paglaban at pagtugon sa epekto ng COVID -19 sa bansa.

Hindi lamang po mga opisyal ng mga lungsod, lalawigan at munisipalidad ang ating kinakalampag para sa paglaban sa COVID-19 crisis kundi hinimok din po natin ang mga kabataan na makipagtulungan sa pagtugon sa pandemya.

Hinikayat ko po ang mga kabataan sa Cagayan de Oro City, at sa iba pang mga lugar sa bansa na gumawa ng infomercial patungkol sa COVID-19 para magamit ito at maipaintindi sa mamamayan ang peligro ng sakit, at kung ano ang mga dapat gawin at iwasan ng mamamayan para makaiwas sa peligrong idulot ng COVID-19 sa buhay at kalusugan ng isang tao.

Pinaigting din po natin ang information drive sa minimum health standtards sa paglaban sa COVID-19, partikular ang pagsusuot ng face mask, pag-obserba sa social distancing at ang pagigjng malinis sa katawan, paghuhugas ng kamay, at paggamit ng alcohol at sanitizer.

Gusto ko pong bigyang-diin na hindi lamang nakasentro sa Metro Manila at sa iba pang pangunahing lungsod ang aksiyon ng gobyerno sa problema sa COVID-19 dahil umiikot po ang NTF COVID-19 at mga “big brother” na miyembro ng CODE sa mga rehiyon at lalawigan para matiyak na nasusunod ang mahigpit na monitoring ng health system performance, critical care capacity, mahigpit na pagsunod sa surveillance, isolation at treatment protocols, alinsunod sa inaprubahang resolution no. 62 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Malinaw po ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang maiiwang kahit isang Pilipino sa ginagawang paglaban ng gobyerno sa COVID-19.

Mahaba-haba na po ang panahong ginugol natin sa pakikipaglaban sa COVID-19 kaya mahalaga ang pagtutulungan at kooperasyon ng bawat Pilipino, sundin ang mga aksyon ng gobyerno para sabay-sabay nating mapagtagumpayan ang pagsubok na dulot sa atin ng pandemic. Laban lang po tayo!

The post Aksyon ng NTF C.O.D.E. team sa Iligan City at Cotabato City first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *