Action cams sa action-packed Phl

Namumutiktik ang YouTube ng viral videos ng mga abusadong traffic enforcers at maging ng mga motoristang nagsasalpukan sa kalye dahil sa init ng ulo.

The post Action cams sa action-packed Phl appeared first on Abante News Online.

action cams sa action packed phl - Action cams sa action-packed Phl
Abante cam - Action cams sa action-packed Phl

Namumutiktik ang YouTube ng viral videos ng mga abusadong traffic enforcers at maging ng mga motoristang nagsasalpukan sa kalye dahil sa init ng ulo.

Marami sa naturang videos ay mula sa dashcams o cellphone cameras kung kaya magalaw, magulo, malabo at limi-tado ang eksenang nakukunan. Puwes, di na problema ‘yan ngayon!

Para sa naglalaway sa Go Pro Hero o DJI Action Camera, napakaraming alternatibo ngayon sa merkado na makikita natin sa kalye na karaniwang nakakabit sa helmet ng mga nakamotorsiklo.

At isa na diyan ang EZVIZ S2 action cam na kasama ng DJI Action Cam ay dini-distribute sa bansa ng MSI-ECS/VSTECS, sa badyet na swak swak sa bulsa.

Ang EZVIZ S2 ay para sa mga praktikal na nais ng full high definition resolution (1080p) videos, electronic image stabilization, water-proof casing at marami pang features.

Pre-packed sa EZVIZ S2 ang iba’t ibang mounting options (kotse, bike, etc.) kung kaya masasabing ito’y “all-in-one solution” para sa selfie-crazy generation na bawat kilos ay kailangang naka-video.

Kung ang DJI Action Cam ay maituturing na Mercedes Benz ng action ca-meras, ang EZVIZ S2 ay maihahambing naman sa ever-reliable na Toyota Vios.

Basically, parehas ang kanilang kapabilidad at ang tanong na lang ay alin sa dalawa ang pasok sa iyong panlasa at pera sa pitaka.

The post Action cams sa action-packed Phl appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *