‘Academic Freeze Now,’ dapat ba o hindi?

Noong Huwebes ay matunog na matunog sa social media ang hashtag na ‘Academic Freeze Now.’

The post ‘Academic Freeze Now,’ dapat ba o hindi? first appeared on Abante.

academic freeze now dapat ba o hindi - ‘Academic Freeze Now,’ dapat ba o hindi?
risa 5 - ‘Academic Freeze Now,’ dapat ba o hindi?

Noong Huwebes ay matunog na matunog sa social media ang hashtag na ‘Academic Freeze Now.’

Panawagan ito ng mga mag-aaral at ibang magulang na pansamantalang itigil muna ang mga klase hangga’t walang konkretong plano kung paano masisiguro na lahat ay makakapag-aral at walang maiiwan.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga social media users dito. Mayroong nagsasabing ‘birth pains’ ito, nasa adjustment period pa kaya’t nahihirapan.

Bigyan lang daw ng ilang buwan at baka mas gumaan paunti-unti ang sitwasyon. Mahirap naman daw kung matitigil sa bahay na walang natutunan.

Ang ilan naman ay sumasang-ayon na itigil muna ang klase pansamantala. Pare-pareho kasing hirap ang guro, magulang at mga bata lalo na yung mga walang-wala.

Kayo? Ano ang opinyon ninyo dito?

Sa tingin ko, sa lahat ng nangyayaring ito, mahalaga na magkaroon ng matinding suporta ang mga guro at mga magulang.

Para sa mga guro, dapat palawigin ng Department of Education ang mental health support, lalong-lalo na ang debriefing at counseling sa mga guro bilang suporta sa mga mabibigat na pagbabago sa modes of learning.

Ngayong dumoble ang trabaho ng mga guro, mahalaga ang pagkakaroon ng stress-debriefing sessions at iba pang psychosocial support.

Makakatulong din kung dadagdagan pa ang mga guro dahil kahit na sa gitna ng pandemya, umaabot pa rin sa 40 ang estudyanteng kailangan nilang tutukan.

Pwede ring magdagdag ng non-teaching staff na pwedeng reinforcement at tumulong sa pagpi-print ng learning modules, pagsasalansan nito, paggawa ng learning materials, at iba pang gawain.

At pinakamahalaga sa lahat, panahon na para taasan ang kanilang sahod.

Para sa mga magulang, lalo na yung pinagsasabay ang pag-assist sa mga bata sa lessons at pagta-trabaho, work from home man o hindi, mahalaga ang suporta ni mister o misis o ng kung sinoman ang inyong kaagapay sa pagpapalaki sa inyong mga anak.

Pwedeng mag-usap at magsalitan sa pagluluto at pagbabantay sa mga bata habang nasa online class, o kailangan ng gabay sa pag-aaral.

Huwag ding magdalawang-isip na kausapin ang kanilang teacher kung may hindi naintindihang leksyon ang ating mga anak. Mahalaga rin ang open communication sa pagitan ng magulang at ng teacher.

Para sa mga bata, kapakanan nila ang dapat nating inuuna. Anuman ang ating desisyon, alam kong ito ay makabubuti para sa kanila, dahil walang magulang na naghangad ng kapahamakan sa kanyang anak.

Kung mapagdesisyunan man nating ituloy ang kanilang pag-aaral ngayong taon, ang pagmamahal sana natin bilang magulang at ang pagmamahal ng guro na kanilang pangalawang magulang, ang magbuklod at magpatibay ng ating loob.

The post ‘Academic Freeze Now,’ dapat ba o hindi? first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *