Abusadong doktor ireklamo sa PRC

Ako po si Cristina, isang senior citizen, nakatira sa Bulacan.

abusadong doktor ireklamo sa prc - Abusadong doktor ireklamo sa PRC
Claire Castro Clear It 66 - Abusadong doktor ireklamo sa PRC

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po, Atty. Claire!

Ako po si Cristina, isang senior citizen, nakatira sa Bulacan.

Kada tatlong buwan may check-up ako sa isang internist-endocrinologist.

Napansin ko po na nagbebenta ng gamot ‘yong doktor na mismong inirereseta niya. Puwede naman pong tumanggi bumili pero tila po iba ‘yong turing niya ‘pag hindi ka bumili.

Kamakailan po ay ­humingi po ako ng ­clinical abstract para po sa requirement sa PCSO, siningil po ako sa isang pahinang papel na clinical abstract at hindi nagbigay ng resibo. Maaari ko ba siyang ireklamo?
Maraming salamat po sa anumang tulog na ­inyong maibibigay.

Lubos na gumagalang,
Cristina

Dear Nanay Cristina,

Ang pagbebenta po ng gamot na siya mismo ang nagrereseta ay hindi ko po masasagot kung pang-aabuso iyon dahil baka siya lamang ang may alam ng tamang gamot na laan para sa inyong karamdaman pero dapat din po siyang paalalahan na may Generics Act of 1988 kung saan dapat na ang medical practitioner ay nagbibigay ng reseta na may kasamang generic brand ng gamot.

Ang Section 6 ng nasabing batas RA 6675 ay :

xxx

(b) All medical, dental and veterinary practitioners, including private practitioners, shall write prescriptions using the generic name. The brand name may be included if so desired.

Ito po ay isa sa mga paraan para makapamili ang pasyente ng angkop na gamot pero sa mas abot-kayang halaga.

Sa paraang ginagawa ng doktor ninyo ay luma­labas na nagsasamantala siya dahil wala na kayong pagpipiliiang generic ang brand kundi ay dapat na sa kanya lamang bumili. Kung ano man po ang dahilan niya ay dapat na mapaliwanag sa inyo upang hindi siya managot sa paglabag sa batas.
Ang mga sumusunod naman ang maaaring maging parusa:

Section 12. Penalty – A) Any person who shall violate Section 6(a) or 6(b) of this Act shall suffer the penalty graduated hereunder, viz:
(a) for the first conviction, he shall suffer the penalty of ­reprimand which shall be ­officially recorded in the ­appropriate books of the Professional Regulation Commission.

(b) for the second conviction, the penalty of fine in the amount of not less than two thousand pesos (P2,000.00) but not exceeding five thousand pesos (5,000.00) at the discretion of the court.

Maaari ninyong ireklamo ang mga abusadong doktor sa Professional Regulation Commission (PRC); sa Department of Health at kung may krimeng ginawa ay maaaring magsampa ng kaso sa korte kung saan nagawa ang pang aabuso o krimen katulad ng kung saan ba ang kanyang clinic.

***

Kung may kata­nungan pa ay ­tumawag lamang sa 8410 7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *