70 araw na biyahe sa bus

Ano ang pinakamalayong ruta ng bus na nabiyahe mo?

The post 70 araw na biyahe sa bus first appeared on Abante.

70 araw na biyahe sa bus - 70 araw na biyahe sa bus
ayos ba 1 - 70 araw na biyahe sa bus

Ano ang pinakamalayong ruta ng bus na nabiyahe mo?

Sa Luzon, ang pinakamalayo yatang ruta ay ang Manila-Tuguegarao-Tabuk (Kalinga) o Manila-Aparri at ang mga ito, kapag sa gabi ang byinahe ay tatagal ng mula 12 hanggang 14 oras depende sa accomodation na kukunin ng pasahero.

Ngayon kasi ay uso na ang mga tinatawag na limited stops na lamang, hindi kagaya ng dati na halos lahat ng bayan na madadaanan ay tinitigilan upang kumain, magkape at magtanggal ng matinding lamig sa loob ng bus.

Ang Pasay-Baguio at Cubao-Baguio nga ay mayroon nang mga non-stop na biyahe gamit ang mga unit na may mga palikuran na sa loob.

Pero lahat nang nabanggit na ito ay panis kapag nag-umpisa nang bumiyahe ang maituturing na pinakamahaba, pinakamatagal at pinakamalayong ruta ng bus sa buong mundo.

Ang rutang ito ay magmumula sa New Delhi sa India at magtatapos sa London, England at tinatayang aabot ng 70 araw.

Nasa 12 libong milya ang distansiya (mahigit sa 19 libong kilometro) ang lalakbayin at dadaan sa 18 bansa.

Ayon sa ulat ng CNN, ang unang biyahe ng bus ay itinakda sa kalagitnaan ng susunod na taon, depende sa magiging antas ng paghupa ng pandemya.

Kung dito sa Pilipinas ang pasahero ng deluxe accomodation na bus ay nasa pagitan ng 25 hanggang 29 katao, ang bus na bibiyahe sa rutang New Delhi-London ay 20 katao lamang at ang unit na gagamitin ay halos kumpleto na sa pangunahing pangangailangan.

Nagulat ang kumpanyang Adventures Overland na siyang nakaisip ng ideya, sa dami ng mga nagpalista upang masubukan ang nabanggit na ruta dahil bagama’t halos isang taon pa ito bago ilunsad, nasa 40 libo na ang nagpakita ng interes para sa reservation.

Nasa $20 libo (P1 milyon) ang singil nila sa bawat pasahero pero nakakapagtaka umanong napakaraming nagpakita ng interes para sa nabanggit na road trip.

Ang sinumang maiinip o magsasawa sa pagbubus ay puwedeng bumaba sa mga istasyong titigilan nito at gumamit ng ibang uri ng transportasyon para makarating sa London o kaya ay sa New Delhi.

May katagalan ang biyahe dahil sa bawat tigil ay pagbibigyan ang mga pasahero na kahit paano ay makagala-gala sa mga lugar na madadaanan.

Kanya-kanyang trip talaga ang tao pagdating sa estilo ng paglilibang.

Ayos ba?

The post 70 araw na biyahe sa bus first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *