7 Pinoy filmmaker pasok sa ‘Oscar’s Class of 2019’

7 Pinoy filmmaker pasok sa ‘Oscar’s Class of 2019’

Pitong Filipino filmmakers ang naimbitahan ma-ging miyembro ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences.

The post 7 Pinoy filmmaker pasok sa ‘Oscar’s Class of 2019’ appeared first on Abante News Online.

7 pinoy filmmaker pasok sa oscars class of 2019 - 7 Pinoy filmmaker pasok sa ‘Oscar’s Class of 2019’
oscar 5 - 7 Pinoy filmmaker pasok sa ‘Oscar’s Class of 2019’

Pitong Filipino filmmakers ang naimbitahan ma-ging miyembro ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences.

Ang mga napili ay mula sa Pilipinas, US at Canada.

Samantala ang mga pangalan ng Pilipinong mapa­lad na napabilang ay sina P.J. Raval, Lisa Valencia-Svensson, Josie Trinidad, Trevor Jimenez, Bobby Pontillas, Baby Ruth Villarama at Ditsi Carolino.

Ang pitong nabanggit ay ilan lamang sa 842 na indi- bidwal na naanyayahan kamakailan sa Academy upang sumali sa prestihiyosong grupo na ngayon ay matatawag na miymebro ng Oscars Class of 2019.
Ayon sa panayam kay P.J Raval, halos hindi siya makapag-salita nang matanggap ang magandang balita.

“Being recognized by the Academy is really quite humbling. It made me reflect back on my perhaps unconventional career path and appreciate where I’ve grown. It inspires me to go further,”ani Raval.

Ayon naman kay Lisa Valencia-Svensson, Inasahan na, aniya, na makakatanggap siya ng nominasyon pero hindi niya aakalaing iimbitahan siya, “So I was over the moon when I actually received the invitation from the Academy!”

Kuwento naman ni Baby Ruth Villarama, una niyang nakita ang post ni Raval at binati pa ito ng Congratulations tapos kinaumagahan bandang alas-kuwatro y media, may sinend, aniya, na link ang Academy member na si Ramona Diaz at ang kaibigang si Ditsi Carolino na hindi pa siya masyadong nakumbinsi dahil hindi pa gising ang kanyang diwa hanggang sa itinag na siya at binabati rin ng congratulations sa social media ng mga tao.

“I got the official “welcome email” early at work and I just felt a great sense of gra-titude to the Academy and my colleagues who endorsed me for such an honor!”ayon naman kay Bobby Pantillas.

Nag-kuwento rin si Josie Trinidad na habang nagchi-check siya ng e-mail sa ordinaryong araw, nakita nito ang “Welcome to the Academy!”
“I was extremely happy and honored to hear the news, couldn’t be more exci-ted to be a part of the Academy.” masayang ipinahayag naman ni Trevor Jimenez.

“I was sitting at my desk in Austin, Texas editing Ramona Diaz’s new film. The word I would use to describe the Academy invitation is “surreal”!” kuwento naman ni Leah Marino. (Athena Yap)

The post 7 Pinoy filmmaker pasok sa ‘Oscar’s Class of 2019’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *