2019 national budget, ipasa na ngayon!

Ang pagpasa ng 2019 national budget ng gobyerno ay isang napakahala­gang hakbangin para maisakatuparan ang mga plano at proyekto ng gobyerno alang-alang sa ikaaangat ng estado ng ekonomiya ng Pilipinas.

The post 2019 national budget, ipasa na ngayon! appeared first on Abante News Online.

2019 national budget ipasa na ngayon - 2019 national budget, ipasa na ngayon!
Abante Win Gatchalian Win sa Edukasyon - 2019 national budget, ipasa na ngayon!

Ang pagpasa ng 2019 national budget ng gobyerno ay isang napakahala­gang hakbangin para maisakatuparan ang mga plano at proyekto ng gobyerno alang-alang sa ikaaangat ng estado ng ekonomiya ng Pilipinas.

Bilang isa sa mga mambabatas sa Senado, muli po nating ipinaaabot ang panawagan sa mga kongresista na wakasan na ang anumang sagabal o hindi pagkakaintindihan sa pag-aapruba ng 2019 General Appropriations Bill (GAB), at ang tanging pagbabasehan lamang dapat ay ang bersyong naratipikahan ng Senado at ng Kamara noong nakaraang buwan.

Magtatapos na po ang buwan ng Marso at magsisimula na namang muli ang paghahanda para sa susunod na school year. Kasama na rito ang pagpapatayo ng mga karagdagang klasrum at pagkuha ng dagdag na teacher. Hindi ito magagawa ng Department of Education (DepEd) hangga’t hindi naisasabatas ang budget para sa taong ito.

Hindi natin maaaring­ hayaang lubos na maapek­tuhan at mahirapan ang mga estudyante, guro at magulang dahil lamang sa mga hindi pagkakasundo sa pagpapasa at pagpapatupad ng nasabing budget.

Base sa DepEd, 80,000 ang tinatayang bilang ng mga newly hired teacher na kakailanganin para sa School Year 2019-2020.
Kung hindi maipapatupad ang 2019 budget sa lalong madaling panahon, magkakaproblema sa paglalagay ng pondo hindi lamang sa karagdagang mga guro, maging sa mga programa at iba pang bayarin.

Kabilang dito ang release ng productivity enhancement benefits at midyear bonuses ng humigit kumulang 300,000 na teacher at personnel pagsapit ng Abril. Bukod dito ay kailangan ding makuha ng mga guro ang kanilang P3,500 cash allowance pambili ng school supply para sa kanilang magiging klase.

Maraming proyektong gobyerno ang nakatengga at mga kailangang maisabatas na mga polisiya at panukalang batas na na­ngangailangan ng agarang pagtugon, kaya naman sana ay maresolba na agad ang partikular na usaping ito sa dahil hindi natin kayang makita na patuloy na maantala ang pag-usad ng kaunlaran hindi lamang ng kabataang Pilipino kundi ang kani-kanilang mga pamil­ya.

Sa inaasahan sa pagpupulong ngayong linggo ng piling lider ng Senado at Kamara tungkol sa GAB, umaasa tayo na magiging maayos, malinaw, mapayapa at pinal na ang kasunduan sa pagpapatupad ng panukala upang mapirmahan na ito ng ating Pangulo.

The post 2019 national budget, ipasa na ngayon! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *