Zubiri hinamon ang DOE: Tumira kayo sa lugar na walang kuryente

Hinamon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE) na tumira sa mga lugar na walang linya ng kuryente para maranasan at maramdaman kung paano mamuhay sa lugar na walang kuryente.

zubiri hinamon ang doe tumira kayo sa lugar na walang kuryente - Zubiri hinamon ang DOE: Tumira kayo sa lugar na walang kuryente
zubiri 1 - Zubiri hinamon ang DOE: Tumira kayo sa lugar na walang kuryente

Hinamon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE) na tumira sa mga lugar na walang linya ng kuryente para maranasan at maramdaman kung paano mamuhay sa lugar na walang kuryente.

Ginawa ni Zubiri ang hamon sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2020 budget ng DOE kung saan kinuwestiyon nito ang electrification program ng ahensiya sa bansa.

Partikular na tinukoy ni Zubiri ang kakulangan ng kuryente sa maraming barangay sa Mindanao.

“I’ve noticed that Mindanao has the lowest in terms of electrification program which is disturbing for me and we know Secretary that Mindanao has the highest incidence of insurgency as well,” sabi ni Zubiri.

“Those hand in hand, when the barangay and sitios are unenergized they’re living in abject poverty and darkness. Obviously those who have malicious minds will go to that particular location and indoctrinate these people that government is not helping them for obvious reasons,” dagdag pa nito.

Dahil dito, hinamon ni Zubiri ang mga opisyal ng DOE sa pangunguna ni Secretary Alfonsi Cusi na samahan siyang manirahan ng isang linggo sa lugar na hindi naaabot ng electrification program ng gobyerno.

“Maybe we should subject all of us, maybe we should have an immersion all of us here. One week, doon tayo sa Barnagay Kisawa, walang ilaw,” hamon ni Zubiri.

“Doon tayo sa lugar na walang ilaw, sama-sama tayo, I’ll join you guys para we will know how difficult it is to live without electricity no refrigerator,” dagdag pa nito.

Ipinagtataka pa ni Zubiri kung bakit P500 milyon lamang ang inilaang budget ng gobyerno para sa electrification program ng pamahalaan.

“I am concerned about that, unless we have a roll out plan, I am in question of this particular budget,” ani Zubiri.

Aminado naman Energy Secretary Alfonso Cusi na hindi sapat ang naturang pondo para maabot ang electrification requirement na P25 bilyon.

“This P500 million is not even enough to really fund the required electrification. So to come up with this master plan we have required all the cooperatives to submit their master plan on energizing their franchise area and that is an area that we are collating,” ani Cusi.

“This 500 million is outside of the project that is being implemented by the cooperatives, these are in the remote areas in the island provinces and these are really that are not reached by the cooperatives so we provide them the stand alone system like a home solar system,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *