Zoom invite kay VP Leni ‘di galing sa PCOO

Walang impormasyon si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar kung bakit hindi inimbitahan si Vice-President Leni Robredo para personal na makadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa sa Quezon City.

zoom invite kay vp leni di galing sa pcoo - Zoom invite kay VP Leni ‘di galing sa PCOO
leni 1 - Zoom invite kay VP Leni ‘di galing sa PCOO

Walang impormasyon si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar kung bakit hindi inimbitahan si Vice-President Leni Robredo para personal na makadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa sa Quezon City.

Sa halip na magpunta sa plenaryo ng Kongreso, virtual invitation lamang ang ipinadala kay VP Leni.

Sinabi ni Secretary Andanar na hindi ang kanyang tanggapan ang may hawak sa mga iniimbitahang bisita para sa SONA ng Presidente.

Ang alam lamang aniya ng kalihim ay iilan-ilang miyembro ng gabinete ang makakasama ni Pangulong Duterte sa Batasan dahil sa mga ipinatutupad na security protocols laban sa COVID-19.

“Hindi po ako privy diyan. Ang alam ko lang ay mangilan-ngilang cabinet secretaries ang pupunta sa Batasan. Marami kami sa Cabinet Secretaries ang nasa zoom, dahil sa health protocols. Kailangan may physical distancing sa Kongreso,”ani Andanar. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *