Zambaleño nagdiwang para sa masaganang ani ng Dinamulag

IBA, Zambales — Muli na namang isinuot ng mga street dancer ang kanilang magagarbo at mango-inspired costumes upang maipagdiwang ang masaganang ani ng tanyag na prutas ng tag-araw at may pinakamaraming uri ng lasa sa buong bansa.

The post Zambaleño nagdiwang para sa masaganang ani ng Dinamulag appeared first on Abante News Online.

zambaleno nagdiwang para sa masaganang ani ng dinamulag - Zambaleño nagdiwang para sa masaganang ani ng Dinamulag
abante Dinamulag Festival - Zambaleño nagdiwang para sa masaganang ani ng Dinamulag

IBA, Zambales — Muli na namang isinuot ng mga street dancer ang kanilang magagarbo at mango-inspired costumes upang maipagdiwang ang masaganang ani ng tanyag na prutas ng tag-araw at may pinakamaraming uri ng lasa sa buong bansa.

Nanatiling nangingibabaw ang manggang Zambales lalo na ang kalabaw na uri at tinatawag na dinamulag ayon na rin sa mga nag-organisa ng taunang Dinamulag Festival.

“We want people to come to Zambales and enjoy themselves here. Zambales is more than just a mining province, it is a rising tourist site, pahayag ni Governor Amor Deloso.

Ngayong taon, lumahok ang pitong munisipalidad para maki­pagtagisan bilang Best Street Dance Group ng Zambayle Street Dancing Competition na ginanap sa Zambales Sports Center.

Nagwagi ang dance group mula San Felipe kontra sa iba pang grupo habang 1st runner up ang Masinloc Street Dan­cers at 2nd runner up ang Ibaile Street Dancers.

Hinablot din ng Pa­nagkakadu-an San Felipe Street Dancers ang Best in Costume, Best in Music at Best in Production Number. (Randy Datu)

The post Zambaleño nagdiwang para sa masaganang ani ng Dinamulag appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *