Yumaong ina hinabilin pamana sa panaginip

Kahit sa kabilang-buhay, naramdaman pa rin ng tatlong anak ang pagmamahal at aruga ng kanilang nanay.

The post Yumaong ina hinabilin pamana sa panaginip first appeared on Abante.

yumaong ina hinabilin pamana sa panaginip - Yumaong ina hinabilin pamana sa panaginip
abante pamana - Yumaong ina hinabilin pamana sa panaginip

Kahit sa kabilang-buhay, naramdaman pa rin ng tatlong anak ang pagmamahal at aruga ng kanilang nanay.

Ito’y matapos na madiskubre ni April, kapatid ng yumaong si Charie, na may pamana pala ito para sa kanyang mga naulilang anak matapos sumakabilang-buhay dahil sa aneurysm apat na taon na ang nakararaan.

Saad ni April, madalas niyang mapanaginipan ang kapatid kung saan napansin nito na may suot itong puting blusa sa tuwing makikita niya ito.

Nang naghanap si April ng lumang larawan ni Charie ay dito niya nakita ang naturang blusa, kung saan tumambad ang ilang alahas, pera at sulat para sa kanyang mga anak.

“Ang init-init, lalabas siya. Hindi siya nahihiya, basta kumain kami. Parang masakit na nahihirapan ‘yung mama mo para lang kumain kayo,” kwento ng anak ni Charie na si Herica sa pagtitinda ng kanyang ina sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’.

Inimpok muna ng kanyang mga anak sa bangko ang pamana ni Charie, at nangakong gagastusin kapag may naisip na silang itayo na negosyo.

The post Yumaong ina hinabilin pamana sa panaginip first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *