Yorme peperwisyuhin mga promotor ng Nazareno fake news

Inakusahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang ilang kampo na pinupulitika ang dapat sana ay banal na okasyon ng Kapistahan ng Poon na Itim na Nazareno matapos palabasin na may 400,000 deboto ang nagtipon- tipon sa iisang lugar sa parehas na oras at nabalewala ang health protocols.

The post Yorme peperwisyuhin mga promotor ng Nazareno fake news first appeared on Abante.

yorme peperwisyuhin mga promotor ng nazareno fake news - Yorme peperwisyuhin mga promotor ng Nazareno fake news
abante deboto - Yorme peperwisyuhin mga promotor ng Nazareno fake news

Inakusahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang ilang kampo na pinupulitika ang dapat sana ay banal na okasyon ng Kapistahan ng Poon na Itim na Nazareno matapos palabasin na may 400,000 deboto ang nagtipon- tipon sa iisang lugar sa parehas na oras at nabalewala ang health protocols.

“Politika pa more. Atat kayo ha? Pag nalaman namin kung sino kandidato n’yong president,e peperwisyuhin din namin kayo sa Maynila. Nasaan po ung 400 thousand na sinasabi ng mga report? ‘Yung mga bayaran, nasaan?,” ayon kay Moreno.

Ini-ere na umano niya ng live sa social media ang katotohanan na nangyayari sa Quiapo Church at sa bisinidad nito via ‘closed-circuit television footages na nagpapakita sa maayos na pagsunod ng mga deboto sa social distancing habang naghihintay na makita ang imahe ng Itim na Nazareno sa balkonahe ng Manor Basilica at makadalo sa misa sa loov ng simbahan.

Nabatid na pinapurihan ni Moreno ang mga mamamayan ng Maynila at kapwa opisyal sa siyudad na sina Vice Mayor Honey Lacuna, Manila Traffic and Parking Bureau chief Dennis Viaje, department of public services head Kenneth Amurao, assistant secretary to the mayor Letlet Zarcal, city engineer Armand Andres, Manila Disaster Risk Reduction Management Office head Arnel Angeles, Metro Manila Development Authority officer-in-charge Bong Nebrija, Manila Police District chief Gen. Lo Francisco, PNP chief Debold Sinas at NCRPO Director Vic Danao, Jr. dahil sa kanilang trabaho para matiyak na magiging mapayapa at maayos ang pagdiriwang ng Kapistahan.

Sinabi ni Moreno na tinatayang nasa pagitan ng 278,000 at 400,000 katao na labas masok sa Simbahan ang naitala sa loob ng 48 oras na monitoring.

“Grabe ang sakripisyo ng mga taga-Maynila. ‘Yung debosyon nila, ‘yung inawat namin,..tandaan nyo, kultura, tradisyon namin..mga tao namin, resources. Eto (CCTV footages) di pwede magsinungaling kasi ‘live,’ kaya mamaya makikita nyo sa news, magulo. Kasi pag maayos, di balita. Dapat ibalita ‘yan kasi ‘di pa ko pinanganganak, pagpiyesta ng Quiapo, punong punong ng tao ang buong Maynila. Eto maganda, di picture, di mae-edit,” ani Moreno .

Ipinasiya ni Moreno na i-live ang kaganapan matapos na lumabas ang mga fake news para palabasin na walang kautusan at hindi na sinusunod ang protocols.

“Dun sa mga pulitikong tolongges, manahimik kayo. ‘Wag nyong bastusin ‘yung pananalig ng tao. Una, wala na mga kayong nagawang matino sa taumbayan kumakapit na lang ang mga tao sa panalangin… maraming politiko diyan ginagahasa Maynila para paburan ‘yung politika nila at magsabi ng pananakot sa mga tao,” dagdag pa ni Moreno.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Yorme peperwisyuhin mga promotor ng Nazareno fake news first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *