Yolanda survivor iskolar sa Massachusetts

NAKATAKDANG pumunta ng United States para mag-aral ng Physics bilang iskolar ang isang Grade 12 Taclobanon na kabilang sa Yolanda survivor matapos na manguna sa isang international science­ competition.

The post Yolanda survivor iskolar sa Massachusetts appeared first on Abante News Online.

yolanda survivor iskolar sa massachusetts - Yolanda survivor iskolar sa Massachusetts
hilly - Yolanda survivor iskolar sa Massachusetts

Wish maging astrophysicist

NAKATAKDANG pumunta ng United States para mag-aral ng Physics bilang iskolar ang isang Grade 12 Taclobanon na kabilang sa Yolanda survivor matapos na manguna sa isang international science­ competition.

Ayon sa 18-anyos na si Hillary Diane Andales, hindi siya nagdalawang isip na tanggappin ang scholarship mula sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) nang ialok ito sa kanya.

Si Andales at pitong iba pa ay inalok ng scholarship matapos masungkit noong 2017 ang Junior Challenge for her video explanation ng Albert Einstein’s theory sa relativity, dahilan para talunin ang 11,000 iba pang entry mula sa 178 mga bansa.

Habang ang ibang mga batang babae ay nahihimbing na parang mga prinsesa at prinsipe ginugol ni Andales ang kanyang kabataan.

Sa halip na mga fairytale ang ikinukuwento niya ay ang pagsusumikap ni Marie Curie bilang babae sa science noong 20th century.

Ayon kay Andales ang adventure ni Curie ang naging inspirasyon niya para mag-explore sa baybaying dagat ng Abuyog, Leyte.

Bukod sa pag-asang magkaroon ng land internship o full-time job sa European Organization for Nuclear Research (CERN), gusto ni Andales na makapag-produce ng mas maraming visual material para gawing simple ang mga technical term para sa mga Pilipino.

Ikinuwento ni Andales na nasa loob sila ng bahay nang magkaroon ng storm surge, naging napakabilis umano ng pag­laki ng tubig kaya ang ginawa ng tatay niya ay sinira ang kisame at bubong at doon sila nanatili ng pitong oras. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Yolanda survivor iskolar sa Massachusetts appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *