Yolanda housing balak gawing isolation center

Ininspeksyon ng Konsehal Renecio Novero ang mga ginawang pabahay para sa mga sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa Silay City, Negros Occidental, para matingnan kung papasang COVID-19 isolation center.

The post Yolanda housing balak gawing isolation center first appeared on Abante.

yolanda housing balak gawing isolation center - Yolanda housing balak gawing isolation center
abante isolation - Yolanda housing balak gawing isolation center

Ininspeksyon ng Konsehal Renecio Novero ang mga ginawang pabahay para sa mga sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa Silay City, Negros Occidental, para matingnan kung papasang COVID-19 isolation center.

Ayon kay Novero, na chairman ng Bacolod Quarantine Center Action Team, inatas sila ni Mayor Evelio Leonardia para mag-isip ng mga paraan para magkaroon ng dagdag na quarantine facility ang naturang lalawigan dahil sa pagdami ng COVID-19 patient.

Saad ni Novero, kanilang sinuri ang Yolanda housing project sa Silay dahil ginagamit na rin ito ng local government ng naturang lugar bilang healing center, at kung sakaling payagan ay kailangang lumagda sa memorandum of agreement.

“We are preparing all available facilities that we could provide. Aside from those that we already have, we continue to scout for additional quarantine or isolation facilities,” lahad ni Novero.

Sa ngayon, 11 na public school at isang pribadong eskuwelahan ang ginagamit ng Bacolod bilang quarantine center, lima pa ang inaasahang dumagdag sa bilang. (Prince Golez)

The post Yolanda housing balak gawing isolation center first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *