Yaman ng mga pulis kakalkalin

Isasailalim ni Philippine National Police (PNP) chief General Camilo Cascolan sa lifestyle checks ang mga pulis upang malaman kung sino ang gumagawa ng katiwalian sa kanilang hanay.

The post Yaman ng mga pulis kakalkalin first appeared on Abante.

yaman ng mga pulis kakalkalin - Yaman ng mga pulis kakalkalin
pulis 9 1 - Yaman ng mga pulis kakalkalin

Isasailalim ni Philippine National Police (PNP) chief General Camilo Cascolan sa lifestyle checks ang mga pulis upang malaman kung sino ang gumagawa ng katiwalian sa kanilang hanay.

Ito ang sinabi ni Cascolan sa press briefing sa Camp Crame nitong Biyernes at pangungunahan ang pagsasagawa ng lifestyle checks ng the Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Internal Affairs Service (IAS).

“This will be made by the IMEG together with IAS so that we would be able to see what’s happening with our people now. Maganda ang morale nila pero ano nga ba ang kabuhayan nila ngayon. Paano sila nagkaroon ng mga gamit na ganyan?” saad ni Cascolan.

Ayon pa sa hepe ng kapulisan, ang kautusan ay bilang pagsunod kay Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang nagaganap na korapsyon sa gobyerno.

Paliwanag pa ni Cascolan na kailangang maalis ang korapsyon sa police organization at may mabigat na kaparusahan sa sinumang pulis na mapapatunayang sangkot sa katiwalian.

“‘Yung kautusan po ng Presidente natin susundin po namin ‘yan by the book and we will strictly implement it to those people who are actually violating and coming up with corruption practices,” ayon pa kay Cascolan. (Edwin Balasa)

The post Yaman ng mga pulis kakalkalin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *