Win duda sa werpa ng PhilHealth sa UHC

KINUWESTIYON ni Senador Win Gatchalian ang kakayahan ng Phi­lippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ipatupad ang Universal Health Care (UHC) Program sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon na binabato sa ahensya.

win duda sa werpa ng philhealth sa uhc - Win duda sa werpa ng PhilHealth sa UHC
shwrwin - Win duda sa werpa ng PhilHealth sa UHC

KINUWESTIYON ni Senador Win Gatchalian ang kakayahan ng Phi­lippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ipatupad ang Universal Health Care (UHC) Program sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon na binabato sa ahensya.

“Ngayon, nandito ulit tayo para taa­san naman ang buwis ng alak para pondohan ulit ang UHC program sa pamamagitan ng PhilHealth pero lumalabas sa reports na ang laki ng nawawala sa PhilHealth dahil sa korupsyon,” sabi ng mambabatas.

Kaugnay nito ay iginiit ni Win na mainam umanong puksain muna ang korapsyon sa PhilHealth bago maghain ng panukalang batas na taasan ang buwis sa mga produkto ng alak.

Una rito, iinihayag ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, batay sa Commission on Audit (COA) report na nagkaroon ng overpayments o sobra-sobra ang bina­yad ng PhilHealth sa 20% ng 6,318 na kasong naitala ng COA mula taong 2013 hanggang 2018. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *