WHO: Remdesivir ‘wag gamitin vs. COVID

Nagrekomenda ang World Health Organization laban sa paggamit ng antiviral drug remdesivir para gamutin ang mga pasyenteng nahawa sa COVID-19.

The post WHO: Remdesivir ‘wag gamitin vs. COVID first appeared on Abante.

who remdesivir wag gamitin vs covid - WHO: Remdesivir ‘wag gamitin vs. COVID
WHO 2 - WHO: Remdesivir ‘wag gamitin vs. COVID

Nagrekomenda ang World Health Organization laban sa paggamit ng antiviral drug remdesivir para gamutin ang mga pasyenteng nahawa sa COVID-19.

Sa updated guidance ng WHO, na pinaskil sa medical journal The BMJ, sinabing ayon sa kasalukuyang evidence, hindi nagpapahiwatig na ang remdesivir ay nakakaapekto sa peligro ng pagkamatay mula sa coronavirus o sa pangangailangan ng mekanikal na bentilasyon.

Ito’y matapos tipunin ng WHO ang international panel ng 24 eksperto at apat na COVID-19 survivor para suriin ang datos at gumawa ng mga rekomendasiyon hinggil sa COVID-19 medications.

Ang rekomendasiyon laban sa remdesivir ay batay sa datos mula sa apat na randomized trial kabilang ang 7,333 katao na naospital dahil sa coronavirus.

Lumabas ang update ng WHO halos isang buwan matapos ianunsiyo ng remdesivir maker na Gilead Sciences na inapruba na ng US Food and Drug Administration ang paggamit sa remdesivir bilang panggamot sa impeksyon sa COVID-19.

Ang remdesivir ang unang coronavirus treatment na inaprubahan ng US FDA. (SDC)

The post WHO: Remdesivir ‘wag gamitin vs. COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *