White sand sa Manila Bay waldas

BUMULAGA ang white sand project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR ) na pinamumunuan ni Secretary Roy Cimatu sa Baywalk sa Manila Bay sa gitna ng pandemya.

The post White sand sa Manila Bay waldas first appeared on Abante.

white sand sa manila bay waldas - White sand sa Manila Bay waldas
abante white sand - White sand sa Manila Bay waldas

BUMULAGA ang white sand project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR ) na pinamumunuan ni Secretary Roy Cimatu sa Baywalk sa Manila Bay sa gitna ng pandemya.

Ito ay matapos na bumungad ang pagtatambak ng puting buhangin ng DENR sa baywalk ng Manila Bay.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, bubuhusan ng white sand ang kahabaan ng bay walk sa Roxas Boulevard para hindi ito basta dumihan ng mga tao.

Simula September 19 ay ikakalat na sa Manila Bay ang buhangin na isasabay sa ‘International coastal clean- up day’ anang opisyal sa panayam ng ‘24 Oras.’

Nabatid na bahagi umano ito ng rehabilitation program sa Manila Bay kung saan ang white sand ay nanggaling sa Cebu.

Gayunman ay aminado si Antiporda na sa ngayon ay malabo pang malinis nang tuluyan ang lugar dahil hindi pa rin kagandahan ang kalidad ng tubig sa Manila Bay.

“Ayaw natin palusungin ang mga tao dito na merong health risk,” ayon sa DENR official.

Ang pondo sa proyekto ay huhugutin sa national government partikular sa DENR.

Napag-alaman ding ginawa ang proyekto para sa mga kababayang hindi makakapunta sa Boracay.

Duda naman ang ilang taga-Maynila sa proyektong ito dahil aanurin lamang umano ang mga buhangin na tiyak na pinondohan ng malaking halaga ng gobyerno.

Nilinaw naman ng tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno sa pamamagitan ng kanyang chief of staff na si Cesar Chavez, na walang kinalaman ang City hall sa proyekto at wala rin itong inilabas na pondo para rito. (RP/Juliet de Loza-Cudia)

The post White sand sa Manila Bay waldas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *