White sand sa Manila bay waldas na, delikado pa sa tao! DENR nilaglag ng DOH, DEPED

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na maaring pagsimulan ng respiratory problems at iba pang isyung pangkalusugan ang pagkalanghap ng isang tao ng mga dinurog na dolomite rock na inilalagay sa Manila Bay sa Roxas Boulevard, Maynila.

The post White sand sa Manila bay waldas na, delikado pa sa tao! DENR nilaglag ng DOH, DEPED first appeared on Abante.

white sand sa manila bay waldas na delikado pa sa tao denr nilaglag ng doh deped - White sand sa Manila bay waldas na, delikado pa sa tao! DENR nilaglag ng DOH, DEPED
abante white sand 1 - White sand sa Manila bay waldas na, delikado pa sa tao! DENR nilaglag ng DOH, DEPED

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na maaring pagsimulan ng respiratory problems at iba pang isyung pangkalusugan ang pagkalanghap ng isang tao ng mga dinurog na dolomite rock na inilalagay sa Manila Bay sa Roxas Boulevard, Maynila.

Taliwas ito sa pahayag ni Environment Undersecretary Benny Antiporda at sinabing pinag-aralang mabuti at wala itong hazard lalo na sa kalusugan.

Ang dolomite rock ay ang materyales na mula sa Cebu City at dinurog upang magkaroon ng artipisyal na puting buhangin sa Manila Bay.

Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na base sa pag-aaral at medical literature, ang dolomite kapag nalanghap ng tao ay may masamang epekto sa respiratory system.

Ayon kay Vergeire, maaari rin itong magdulot ng iritasyon kapag napunta sa mata o di kaya ay gastro-intestinal discomfort, pagsakit ng tiyan at pagtatae sa isang indibidwal.

“Ito pong dolomite, base po sa pag-aaral, kapag na-inhale natin ito, may mga adverse reaction [sa] respiratory system, mainly,” ayon kay Vergeire.

“Based on studies and medical literature, it can cause respiratory issues to a person. Kapag napunta sa mata, magkakaroon ng kaunting irritation. Kapag na-ingest, magkakaroon ng gastro-intestinal discomfort, pagkakasakit ng tiyan at pagtatae…ito iyong mga minor effects,” dagdag pa ng opisyal.

Kaugnay nito, naniniwala si Vergeire na pinag-aralan naman ng DENR ang kanilang hakbang na lagyan ng artipisyal na buhangin ang Manila Bay, bago nila ito isinagawa.

Hindi rin sang-ayon si Department of Education ((DepEd) Leonor Briones sa paggastos ng DENR ng halos P400M sa kanilang white sand Manila Bay project.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Briones na malaking bahagi ng pondo ang mapupunta sa pangangailangan ng gadgets ng mga pampublikong paaralan kaugnay sa kanilang blended learning program.

Bukod dito, magagamit ito para sa modular learning system dahil gagastos sila sa mga materyales at printing ng mga pag-aaralang leksiyon ng mga bata.

“Halimbawa may P389 million budget na ibibigay ng pamahalaan sa ating departamento, sigurado ako na malaking bahagi niyan ay mapupunta sa pangangailangan ng gadgets sa may three thousand “last mile schools” na walang connectivity, mga isolated sila, makakatulong ito,” ani Briones.

Mayroon aniyang mahigit tatlong libong mga pampublikongn paaralan sa bansa na mahirap ang internet kaya malaking bagay kung mayroon silang ganitong kalaki pondo.

Pero agad nilinaw ni Briones na hindi sila nakikialam sa pondo ng ibang ahensiya at kung ano lang ang pondong ibinigay sa kanila ng gobyerno ay ’yun ang gagamitin at pagkakasyahin ng kanilang departamento.(Juliet de Loza-Cudia/Aileen Taliping)

The post White sand sa Manila bay waldas na, delikado pa sa tao! DENR nilaglag ng DOH, DEPED first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *