White House document ipina-subpoena ng mga Democrat

White House document ipina-subpoena ng mga Democrat

IPINA-SUBPOENA ng mga Democrat ang mga dokumento mula sa White House bilang bahagi ng kanilang impeachment inquiry laban kay US President Donald Trump.

white house document ipina subpoena ng mga democrat - White House document ipina-subpoena ng mga Democrat
afp 3 - White House document ipina-subpoena ng mga Democrat

IPINA-SUBPOENA ng mga Democrat ang mga dokumento mula sa White House bilang bahagi ng kanilang impeachment inquiry laban kay US President Donald Trump.

Ang hinihingi nilang dokumento ay may kaugnayan sa pag-uusap ni Trump kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky noong Hulyo 25.

Sa naturang pag-uusap ng dalawa, pinilit umano ni Trump si Zelensky na imbestigahan ang karibal niyang Democrat na si Joe Biden.

Ayon sa isang whistleblower, ginamit umano ni Trump ang $400 milyong military aid sa Ukraine para gipitin si Zelensky. Ang nasabing ayudad ay sinuspinde noong Hulyo subalit binigay din noong Setyembre matapos ang pag-uusap ng dalawang lider noong Agosto.

Itinanggi ni Trump na may ginawa silang pagkakamali at inakusahan ang mga kalaban niya na namimingwit lamang ng ibabanat sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *