Wellmed lusot dahil sa depektibong kaso — Roque

Wellmed lusot dahil sa depektibong kaso — Roque

Pinaboran ng Quezon City Court ang may ari at mga incorporator ng WellMed Dialysis Center na sinasabing may kinalaman sa umanoy Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) fraudulent claim makaraang ibasura ang kasong isinampa laban dito.

wellmed lusot dahil sa depektibong kaso roque - Wellmed lusot dahil sa depektibong kaso — Roque
roque 1 - Wellmed lusot dahil sa depektibong kaso — Roque

Pinaboran ng Quezon City Court ang may ari at mga incorporator ng WellMed Dialysis Center na sinasabing may kinalaman sa umanoy Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) fraudulent claim makaraang ibasura ang kasong isinampa laban dito.

Ito ay makaraang paboran ng QC Regional Trial Court Branch 219 ang Motion to Quash na naisampa ng WellMed co-owner Dr. Bryan Sy kaugnay ng 17 Counts ng Complex Crime ng Estafa sa pamamagitan ng paggamit ng pinekeng Public Document na naisampa ng National Bureau of Investigation at PhilHealth laban kay Sy at mga whistleblower na sina Leizel Aileen De Leon , Edwin Roberto at iba pang hindi nakikilalang indibiduwal.

Binigyang diin ng Korte na bagamat ang halaga na sinasabing naloko sa PhilHealth ay mula lamang mula P5,200 hanggang P39,000, ang maximum imposable penalty ng Estafa ng pribadong indibiduwal sa ilalim ng Revised Penal Code ay may hanggang 6 na taon parusang pagkakulong.
Ayon kay Abergos-Samar, ang kaso ay dapat naisampa sa Metropolitan Trial Court at hindi sa RTC dahil ang Penalty ng kaso ay hanggang 6 na taon lamang.

Nilinaw naman ni Judge Abergos-Samar na ang kasong Kriminal ay dinismis niya hindi dahil inosente ang mga akusado kundi nagkamali lamang sa venue ng filing ng kaso laban sa mga akusado.

Magugunitang noong June 14, 2019 , sinampahan ng kasong kriminal sa RTC si Sy makaraang sabihin ng whistleblowers na inutusan lamang sila ni Sy na ihanda ang PhilHealth forms at pekehen umano ang mga dokumento para makakubra ng claim sa Philhealth ang mga namatay ng pasyente na sinasabing sumailalim sa dialysis sa WellMed.

Sinabi naman ng Atty. Harry Roque na dapat sipain ang opisyal ng PhilHealth na nagsampa ng depektibong kaso sa korte.

Binanggit ni Roque na hindi na hindi dapat na-implead ang dalawang whistleblower dahil hindi naman nakasaad sa batas ng witness protection program na kailangang makasuhan sila. Dapat din aniyang kinasuhan ang mga opisyal ng PhilHealth sa kuntsabahan sa WellMed at hindi dapat estafa kundi graft and corruption o plunder ang kinaso laban sa may-ari ng WellMed at mga kasapakat sa PhilHealth. (Dolly B. Cabreza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *