Welder timbog sa P8M shabu

ARESTADO ang isang welder matapos na makuhanan ito ng tinatayang nasa 1.2 kilo ng shabu na may hala­gang aabot sa P8.1 milyon sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) kahapon nang madaling-araw sa Cebu City.

The post Welder timbog sa P8M shabu appeared first on Abante News Online.

welder timbog sa p8m shabu - Welder timbog sa P8M shabu
shabu 1 - Welder timbog sa P8M shabu

ARESTADO ang isang welder matapos na makuhanan ito ng tinatayang nasa 1.2 kilo ng shabu na may hala­gang aabot sa P8.1 milyon sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) kahapon nang madaling-araw sa Cebu City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Roland Cosep, 42-anyos, na nahuli sa isinagawang drug raid sa kanyang bahay sa Sitio Lahing, Barangay Mabolo ng nasabing lungsod.

Sa ulat na ipinadala ni Police Lt. Col. Glenn Mayam, hepe ng PDEG Visayas, nagsagawa sila ng anti-illegal drugs operation sa bahay ng suspek pasado alas-tres nang mada­ling-araw matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa bulto-bultong shabu na hawak ni Cosep.

Sa isinagawang operasyon, naka­kuha ang awtoridad ng mga shabu na naka-repacked na sa mga medium size na plastic at nakatakda na sanang ipamahagi sa mga tulak sa Cebu City.

Depensa naman ng suspek, hindi umano kanya ang mga nasamsam na shabu dahil iniwan lang umano ito sa kanya ng isang nakilalang Mark hatinggabi nitong Lunes.

Nakakulong ngayon ang suspek sa PDEG Visayas detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. (Edwin Balasa)

The post Welder timbog sa P8M shabu appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *