Welder napagod sa buhay, nagpakamatay

bigti-suicide

LAWIT ang dila at maputla na ang buong katawan ng 21-anyos na binata nang matagpuang nakabigti ng kaniyang bayaw sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan sa Quezon City, Huwebes nang umaga.

The post Welder napagod sa buhay, nagpakamatay appeared first on Abante News Online.

welder napagod sa buhay nagpakamatay - Welder napagod sa buhay, nagpakamatay
bigti suicide - Welder napagod sa buhay, nagpakamatay

LAWIT ang dila at maputla na ang buong katawan ng 21-anyos na binata nang matagpuang nakabigti ng kaniyang bayaw sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan sa Quezon City, Huwebes nang umaga.

Kinilala ni P/Capt. Juan B. Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ang biktima na nagtatrabaho bilang welder.

Sa inisyal na imbestigasyon dakong alas-5:30 nang umaga nang matagpuan ang biktima ng kanyang bayaw. Nakabigti ito gamit ang electrical cord sa kisame.

Sa takot ay agad na bumaba ng bahay ang bayaw ng biktima at ipinagbigay-alam sa tatay nito ang ginawa ng kaanak.

Nabatid na nitong mga hu-ling araw, madalas umanong banggitin ng biktima na pagod na siya sa buhay at napansin din na madali itong mairita at magalit.

Gayunman, masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may foul play sa sinasabing pagbibigti ng biktima dahil wala man lamang umano itong iniwan na suicide note. (Dolly Cabreza)

The post Welder napagod sa buhay, nagpakamatay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *