Wattah Wattah Festival nakatipid ng tubig sa pag-ulan

Malaki ang natipid sa tubig ng pamahalaan ng San Juan City dahil sa pagbuhos ng ulan kasabay ng pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival na kung saan kaliwa’t kanang batikos ang lumalabas sa kabila ng masayang pagdiriwang ng Araw ni St. John the Baptist.

The post Wattah Wattah Festival nakatipid ng tubig sa pag-ulan appeared first on Abante News Online.

wattah wattah festival nakatipid ng tubig sa pag ulan - Wattah Wattah Festival nakatipid ng tubig sa pag-ulan
wattah - Wattah Wattah Festival nakatipid ng tubig sa pag-ulan

Malaki ang natipid sa tubig ng pamahalaan ng San Juan City dahil sa pagbuhos ng ulan kasabay ng pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival na kung saan kaliwa’t kanang batikos ang lumalabas sa kabila ng masayang pagdiriwang ng Araw ni St. John the Baptist.

 Nakiisa at nakisaya ang halos lahat ng San Juaneño sa masayang pagsalubong ng kapis­tahan ng San Juan na kung saan ay nasimulan na ito ng isang linggong programa na handog ni Mayor Guia Gomez.

 Ayon kay Mayor Gomez, masaya ang naging pagdiriwang ngayon ng Wattah Wattah Festival na halos 16-taon nang ipinagdiriwang ng mga San Juaneño na punumpuno ng programa bilang handog sa kanyang pagtatapos sa termino bilang alkalde ng San Juan.

 “Tuloy ang basaan at mabuti po ay nakisama ang nasa itaas ay su­mabay sa aming pagdiriwang ng Wattah Wattah kasabay ng pista ng aming pat­ron saint. Wala pong problema sa tubig dahil matagal na pong pinaghandaan ‘yan,” paliwanag ni Gomez.

 Sa kabila ng kakulangan sa tubig, hindi naman nagkaroon ng problema ang mga taga-San Juan dahil pinaghandaan nila ang aaksayahing tubig at bilang pakikiisa nila sa Pista ng San Juan.

 Una nang ipinagbigay-alam ng pamunuan ng San Juan na maglalaan lamang sila ng 16 fire trucks na gagamitin sa basaan kumpara sa 50 fire trucks na nagagamit nila noong nakalipas na selebrasyon.

 Ayon naman kay Konsehal Vincent Pacheco, chairman ng Wattah Wattah program, taong 2002 pa nila sinimulan ang programa na kung saan ay sunud-sunod na taon na nila itong isinasagawa at matagumpay na natatapos.

 “Naging responsable naman ang mga tao sa paggamit ng tubig at sa ipambabasa nilang tubig, ” ayon kay Pacheco.

 Ang Wattah Wattah Festival ay sinimulan kasabay ng World Environment Day noong Hunyo 7 habang ang  grand weekend ay naganap noong Hunyo 21 na River clean up prog­ram,  Family day at Dart competition; Hunyo 22 Zumba session, Bingo; Hunyo 23 Binyagang parokya, Street dance competition at kahapon Lunes, Hunyo 24 ang Wattah Wattah na nilahukan ng mga opis­yal ng San Juan City at mga papasok na opis­yal ng siyudad. (Vick Aquino)

The post Wattah Wattah Festival nakatipid ng tubig sa pag-ulan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *